Lumapit si Sylvio sa pintuan at kumatok. "Miss Santillan, this is me, Sylvio."Tahimik sa loob, walang anumang sagot.Muli siyang kumatok nang ilang beses, ngunit nanatiling walang tugon.Matapos ang ilang sandali ng katahimikan, umatras siya nang kaunti, itinaas ang paa, at buong lakas na sinipa ang pinto hanggang sa bumukas ito.Nagulat ang mga nasa ibaba. Ganoon ba ito... Kabilis umaksyon?Nanlaki ang mata ni Reon.Tunay ngang hindi nagpapahuli, mabilis at tiyak ang kilos.Nang pumasok si Sylvio sa silid, nakita niyang patay ang Aircon at nakabukas ang mga bintana dahilan upang makapasok ang sinag ng araw.Pinalibot pa ni Silvio ang tingin sa buong silid. Wala ito sa sofa, wala rin sa kama.Ngunit hindi nakuntento, pumasok siya sa banyo para lang makasiguro. Pero walang tao roon.Umahon ang matinding kaba sa dibdib ni Sylvio. Mabilis na lumabas ng silid, tumakbo pababa at sumigaw, "Reon, where is she?""Bo..." Muntik nang makapagsalita si Reon, ngunit agad itong pinigilan at mabili
Read more