"Hindi, sinuhulan nila ang media at hindi nagpapakita ng mukha. They are very secretive. This afternoon, President Lee intervened about this matter, at mabilis na naayos ang lahat. Nang nakita kong humuhupa na ang sitwasyon at napapalitan na ng mga positibong bagay, hindi ko na sinabi sa iyo."Alam ni Audrey na masyadong nag-aalala si Deion, ang President Lee na tinutukoy ni Gwen, sa mga usapin tungkol kay Rianna.Pagkatapos ng tawag, ibinaba ni Audrey ang kanyang cellphone, tumayo at naligo. Pagkatapos, lumabas siya ng banyo, kinuha ang kanyang cellphone, at magti-text sana siya kay Marco nang tumunog ang telepono niya sa tawag nito."What do you want to eat tonight?" Anang malalim at baritonong boses ng lalaki sa kabilang linya."How's the matter about Vior? Naresolba na ba?""Is she more important than me, your husband, now?" Tunog nagtatampo ang tono ng asawa.Napangiti na lang si Audrey habang kunyaring na-iinis. "Marco Montezides, talagang ganyan ka mag-isip?""Sagutin mo na lan
Read more