"Axelle?" may tumawag sa pangalan ko. Napalingon ako at nakita ko ang isa sa mga teacher namin, si Ms. Rivera, tahimik siyang nakangiti habang papalapit. "Ma'am," bati ko, agad akong tumayo. "Relax ka lang, napansin lang kita, parang kanina ka pa dito." sabi niya senyas na maupo ulit ako. "Opo, nag-iisip lang po." sagot ko hindi na nagpaligoy. Umupo siya sa kabilang dulo ng bench, hindi masyadong malapit, hindi rin masyadong malayo, parang sinasadya niyang bigyan ako ng space. "Alam mo, madalas kong makita ang mga batang tulad mo." sabi niya pagkatapos ng ilang segundo ng katahimikan. "Po?" tanong ko. "Yong bata pa, pero ang bigat na ng dala, hindi dahil pinilit sila, kundi dahil gusto nilang kayanin." paliwanag niya diretso ang tingin sa akin. Napayuko ako. "Masama po ba 'yon?" Umiling siya. "Hindi, pero delikado." "Bakit po?" tanong ko ulit. "Kasi kapag nasanay kang ikaw palagi ang matatag, nakakalimutan mong humingi ng tulong." sagot niya. Tahimik ako. Tama siya. "Ma
Baca selengkapnya