MARIANNE“Hindi ko alam kung tatanggapin ba kita o hindi.”“Po?”“Ang sabi ko–”“Tanggapin niyo na po ako, kailangan ko po ang trabaho na ito,” sabi ko sa kanya.“Okay, tanggap ka na. Pero may mga kondisyon ako at isa na doon ang bawal kang tumanggi,” sabi niya sa akin.“Tumanggi po saan?”“Sa mga ipapagawa ko sa ‘yo,” sagot niya sa akin.“Tulad po ng–”“Ayaw ko rin sa mga mahilig magtanong. May choice ka kung magtatrabaho ka ba o hindi, basta ang nais ko lang ay sundin mo ang rules ko,” sabi niya sa akin.“Magtatrabaho po ako, kailangan ko po ito, madam.” sabi ko sa kanya.“Okay, ayusin mo ang trabaho mo.”“Salamat po,” sabi ko sa kanya.“Girls, kayo na ang bahala sa kanya.” sabi niya sa mga ito.“No problem, madam. Kami na po ang bahala sa kanya,” nakangiti na sabi ng isang babae at binato sa akin ang damit na isusuot ko.“Isuot mo ‘yan, nerd.” Bully pa ang h*******k, akala mo naman maganda. Naiinis ako sa kanya pero pinili ko na ngumiti na lang dahil isasama ko siya sa boss niyang
Last Updated : 2025-06-04 Read more