NEXT WEEK NA LANG PO AKO MAGSUSUSLAT NG DOUBLE UPDATE.. DKO PO TALAGA KAYA LALO NA HINDI PA RIN OKAY ANG PAKIRAMDAM KO DOON SA PAGOD KO LAST TIME KAY NOAH SA KAKAHABOL NG WORD COUNT NIYA. NAHIHILO PA RIN AKO...SINISIKAP KO LANG TALAGA NA MAKATAPOS NG KAHIT ISANG UPDATE.. THANK YOU PO SA INYONG LAHAT & GOD BLESS PO..
MARIANNE “Malapit na itong matapos, mahal. Makukuha na natin ang hustisya para sa daddy mo,” sabi niya sa akin. “Gagawin ko ang lahat para matapos na ito,” sabi ko sa kanya. “Sabay natin itong gagawin,” sabi niya sa akin kaya yumakap ako sa kanya. ****** “Mahal, umuwi ka muna sa bahay. May mga kailangan lang kaming gawin,” sabi ko kay ninong. “Sabay tayong uuwi doon. Sabay nating tatapusin ito,” sabi niya sa akin kaya ngumiti ako sa kanya. Safe kaming nakabalik at dahil na rin sa tulong ng kaibigan niya. Sinundo agad kami ng helicopter ng kaibigan niya. Ngayon ay nandito kami sa headquarters. Ang una naming nahuli noon ay dinala na rin ni Elias dito. Kaya naman magkasama na sila. Kailangan muna naming kumuha ng ebidensya bago namin siya ibigay sa mga pulis. Siguro nga ay may kakampi kami sa mga pulis pero hindi lahat ay dapat naming pagkatiwalaan. Nakatulog ako kanina habang nasa byahe kami kaya gising pa ang diwa ko ngayon. Anong oras na pero tulog pa rin ang lalaki. Masyado
MARIANNE“Sino ang isinakay niyo sa loob?” tanong niya sa akin.“Kaibigan namin,” sagot ko sa kanya.“Sinungaling ka–”Hindi ko na siya hinayaan pa na tapusin niya ang sasabihin niya dahil mabilis ko siyang inatake at nakatulog siya. Bago pa may lumabas na iba ay ipinasok siya ni Andrew sa loob ng malaking basurahan. Mabuti na lang talaga at kasya siya. Medyo naawa ako sa kanya pero doon lang namin siya puwedeng itapon.“Mahal, mauna ka na. May kailangan lang akong ligpitin at kunin sa loob,” sabi ko sa kanya.“Sige, mahal. Kita na lang tayong dalawa sa bahay,” sabi niya sa akin na mukhang hindi naman siya nag-aalala. Hinalikan ko siya sa labi bago siya umalis.Ako naman ay mabilis na bumalik sa loob para burahin ang cctv footage. At kunin ang binayad ng fiancee ko dahil wala na akong balak na bumalik dito. Ito na ang una at huling beses na pupunta ako dito. Mabilis akong pumasok sa opisina ng boss nila.Binuksan ko ang computer niya. Walang password kaya mabilis ko lang itong nagawa.
MARIANNEInayos ko ang salamin ko sa mata dahil ay hidden camera ito. Magagamit ko habang nakikipag-usap ako sa lalaking ‘yon. Binura ko na rin ang makapal kong makeup para naman makilala niya kung sino ba ang kausap niya. Nang makarating na ako sa tapat ng pintuan ng silid kung saan niya ako kakausapin ay nakayuko lang ako pero binilang ko na kung ilan ang tauhan niya na nagbabantay sa kanya.“Pasok na, kanina ka pa niya hinihintay,” sabi nila sa akin.“Sorry po,” sabi ko dahil hindi naman talaga ako matagal, masyado lang silang atat.Binuksan nila ang pintuan at pinapasok na nila ako. Nakaupo sa may sofa ang boss nila.“Ikaw ba ang bago dito?” tanong niya sa akin habang nakatingin sa akin mula ulo hanggang paa.“Opo, ako po.”“Ang sabi nila sa akin ay ikaw raw ang may pinakamataas na offer ngayon. Lalo na gustong-gusto ka ng naging customer mo. Mukha ka lang nerd pero makinis ka kaya hindi na ako magtataka kung bakit malaki ang binayad nila sa ‘yo.” sabi niya at tumayo ito.“Ano po a
MARIANNE“Tatayo ka na lang ba d’yan?”“Why are you here?” tanong ko sa kanya dahil hindi ako makapaniwala na sumunod pala siya sa akin.“Sabi mo sabay natin itong gagawin kaya bakit iniwan mo ako?” tanong niya sa akin na para bang nagtatampo siya.“Kasi hindi ko pa sure kung tanggap ba ako o hindi,” sagot ko sa kanya.“Kahit na, sana sinabi mo.”“Sorry po, sinigurado ko kasi muna na matatanggap ako. Muntik na nga akong maligwak,” malambing na sabi ko at naglalakad na ako palapit sa kanya.“Fvck! Mas malala pa ‘yan kaysa sa binili natin,” sabi niya sa akin at ang tinutukoy niya ay ang suot ko ngayon.“Ang sexy ko nga eh,” sabi ko sa kanya para inisin pa siya.“Alam ko pero narinig mo ba ang mga sigaw nila kanina–”May narinig ako yabag kaya naman mabilis akong umupo sa kandungan niya. Alam ko kasi na may bubuksa at sisilip dito kaya hinalikan ko ang labi ng fiancee ko. Itong lalaking ito ay mabilis rin namang tumugon sa halik ko kaya naman ang pagpapanggap naming halik ay nauwi sa isan
MARIANNE“Hindi ko alam kung tatanggapin ba kita o hindi.”“Po?”“Ang sabi ko–”“Tanggapin niyo na po ako, kailangan ko po ang trabaho na ito,” sabi ko sa kanya.“Okay, tanggap ka na. Pero may mga kondisyon ako at isa na doon ang bawal kang tumanggi,” sabi niya sa akin.“Tumanggi po saan?”“Sa mga ipapagawa ko sa ‘yo,” sagot niya sa akin.“Tulad po ng–”“Ayaw ko rin sa mga mahilig magtanong. May choice ka kung magtatrabaho ka ba o hindi, basta ang nais ko lang ay sundin mo ang rules ko,” sabi niya sa akin.“Magtatrabaho po ako, kailangan ko po ito, madam.” sabi ko sa kanya.“Okay, ayusin mo ang trabaho mo.”“Salamat po,” sabi ko sa kanya.“Girls, kayo na ang bahala sa kanya.” sabi niya sa mga ito.“No problem, madam. Kami na po ang bahala sa kanya,” nakangiti na sabi ng isang babae at binato sa akin ang damit na isusuot ko.“Isuot mo ‘yan, nerd.” Bully pa ang h*******k, akala mo naman maganda. Naiinis ako sa kanya pero pinili ko na ngumiti na lang dahil isasama ko siya sa boss niyang
MARIANNE“Mahal, are you ready na?” tanong ko sa kanya.“Yes, mahal.” narinig ko na sagot niya sa akin kaya naman lumabas ako dito sa banyo.“H*ly sh*t! What the–”“Hindi ba bagay sa akin?” nakangisi na tanong ko sa kanya dahil narinig ko ang malutong niyang mura.“Fvck! Huwag kang magsuot niyan, parang awa mo na,” sabi niya sa akin.“Mahal, hindi naman kasi ako–”Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil hinila na niya ako palapit sa kanya. Pinaupo niya ako sa kandungan niya at nakatingin ng diretso sa mga mata ko.“Talagang ipapakita mo ang katawan na ito sa mga lalaking ‘yon?” tanong niya sa akin.“Ipapakita ko lang naman hindi naman nila matitikman,” nakangiti na sabi ko sa kanya.“Per–”Bago pa niya tapusin ang sasabihin niya ay nagsalita na ako. Ako na mismo ang humalik sa labi niya. Para hindi na siya umangal pa. Kailangan ko na kasing simulan ang trabaho ko kaya dapat lang na makatulog na muna siya bago ako umalis.Ang nagsimula sa halik ay bigla na lang nauwi sa isang mainit