MARIANNE“Rules is rules–”“Kung ganun ay puwede ko na ba silang pat*yin?” bigla kong tanong sa kanya at nakatingin ako ng diretso sa mga mata ni Val. Alam ko na nagulat siya sa sinabi ko. Gusto ko lang na malaman niya na hindi ako nagbibiro sa sinabi ko.“Nasisiraan na ba kayo ng ulo? Bakit naman–”“Kung tatanggalin mo si Yanne ay mas mabuti pa na isama mo kami sa kanya. Dahil hindi namin gagawin ang misyon na wala ang kaibigan namin.”“Tama si Gene, hindi kami susunod sa ‘yo kung ganyan ka. Kung kami rin naman ang nasa kalagayan niya ay ginawa na rin namin ang ginawa niya kanina.”“Mga pasaway kayo–”“Matino pa kami sa lagay na ‘to,” sabi sa kanya ni Libby.“Ano ba ang gagawin ko sa inyo? Fvck! Binigyan niyo pa ako ng problema.”“Dapat nga masaya ka dahil blessing ang marami kang problema,” sabi pa ni Libby na kahit kailan talaga ay patawa rin.“Blessing?”“Ang gawin mo ay hayaan mo kaming tapusin ang trabaho namin kung nais mo pa na matapos na ito.” sabi ko kay Val.“Bahala na kayo
Last Updated : 2025-06-14 Read more