thank you po sa inyong lahat! God bless po!
MARIANNE“Rules is rules–”“Kung ganun ay puwede ko na ba silang pat*yin?” bigla kong tanong sa kanya at nakatingin ako ng diretso sa mga mata ni Val. Alam ko na nagulat siya sa sinabi ko. Gusto ko lang na malaman niya na hindi ako nagbibiro sa sinabi ko.“Nasisiraan na ba kayo ng ulo? Bakit naman–”“Kung tatanggalin mo si Yanne ay mas mabuti pa na isama mo kami sa kanya. Dahil hindi namin gagawin ang misyon na wala ang kaibigan namin.”“Tama si Gene, hindi kami susunod sa ‘yo kung ganyan ka. Kung kami rin naman ang nasa kalagayan niya ay ginawa na rin namin ang ginawa niya kanina.”“Mga pasaway kayo–”“Matino pa kami sa lagay na ‘to,” sabi sa kanya ni Libby.“Ano ba ang gagawin ko sa inyo? Fvck! Binigyan niyo pa ako ng problema.”“Dapat nga masaya ka dahil blessing ang marami kang problema,” sabi pa ni Libby na kahit kailan talaga ay patawa rin.“Blessing?”“Ang gawin mo ay hayaan mo kaming tapusin ang trabaho namin kung nais mo pa na matapos na ito.” sabi ko kay Val.“Bahala na kayo
MARIANNE“Saan ka ba talaga galing?” tanong ni Andrew sa akin.“Alden, aakyat muna si mommy sa taas. Magbibihis lang ako ng damit ko,” paalam ko sa bata para hindi na siya magtanong pa sa akin.“Okay po, mommy.” nakangiti na sabi niya kaya naman umakyat na ako. Kilala ko na si Alden kaya alam ko na hindi ako nahihirapan kapag siya ang kausap ko.Alam ko na nakasunod sa akin ang fiancee ko at hinayaan ko na lang siya. Pagpasok ko sa room namin ay ibinaba ko ang case ng baril ko sa sahig.“Bakit ang tagal mo umuwi? Saan ka galing?” tanong sa akin ni Andrew.“Sa puntod ni daddy k–”“Sa tingin mo ba talaga ay maniniwala ako sa sinasabi mo? Bakit kailangan na magsinungaling ka sa akin? At ito, ano ‘to?” tanong niya sa akin at binuksan niya ang case ng sniper rifle ko.Alam ko na nagulat siya sa nakita niya. Hindi niya maalis ang tingin sa baril ko.“Bakit dala mo ito? Anong ginawa mo dito? Sa ‘yo ba ito?” sunod-sunod na tanong niya sa akin habang nakatingin sa baril ko.“Ginamit ko kanina,
MARIANNE“Yanne, stop!”Narinig ko na sigaw ni Libby kaya naman napahinto ako sa dapat na gagawin ko. Kumunot pa ang noo ko dahil nandito silang dalawa. “Bakit kayo nandito?” tanong ko sa kanya.“Please, ‘wag mong gawin ito.” pakiusap nila sa akin.“Bigyan niyo ako ng dahilan para makinig ako sa inyo,” sabi ko sa kanilang dalawa.“Mali i–”“Mali? Mali ito? At anong tama? Ang hayaan siya na maging malaya after niyang patayin ang daddy ko?” tanong ko kay Gene.“Alam namin na nasasaktan ka pero makinig ka naman sa amin. Huwag kang maging katulad nila, nakikiusap kami sa ‘yo. May tamang proseso at pagbabayaran niya ang ginawa niya kay tito,” sabi niya sa akin.“Tamang proseso? Saan? Eh nakalabas nga siya eh,” sabi ko sa kanila dahil galit ako. Hindi ko alam kung paano ba siya nakalabas. Pero sure ako na may mataas na nagpoprotekta sa kanya kaya ayaw ko ng umasa na dadaan pa ito sa tamang proseso.“Pretty, galit ka lang. Galit ka lang kaya mo ‘yan sinasabi,” sabi niya sa akin.“Tama ka, g
THIRD PERSON POV“Mayor, nasaan si Yanne?” tanong ni Gene pagkarating pa lang ni Andrew sa bahay niya.“May pupuntahan lang raw siya,” sagot naman nito sa kanya.“Saan daw?”“Sa daddy niya. Ang sabi niya sa akin ay dadalawin lang niya ito at uuwi rin siya agad,” sagot naman ni Andrew dahil ‘yon ang sinabi ni Yanne sa kanya at may tiwala naman siya sa babaeng mahal niya.“Ganun ba,” sabi na lang ni Gene at nagpaalam siya na aakyat muna para puntahan si Libby.Nasa isang silid lang sila kaya hindi na siya kumatok pa. Pumasok na lang agad siya sa may pintuan.“Lib, wala pa si Yanne dahil pupunta pa raw siya sa daddy niya sa sementeryo,” sabi niya sa kaibigan.“Sa tingin mo ba talaga ay sa sementeryo siya pumunta? Ang sabi sa akin ni Elias ay binaril niya ang pumatay sa daddy niya. Mabuti na lang at hindi ito namatay pero mukhang magiging disable naman ito. Dalawang tuhod raw ang pinutirya niya,” sabi naman ni Libby na nakatanggap ng balita mula kay Elias.“So, ibig sabihin ay galit siya?”
MARIANNE “Malapit na itong matapos, mahal. Makukuha na natin ang hustisya para sa daddy mo,” sabi niya sa akin. “Gagawin ko ang lahat para matapos na ito,” sabi ko sa kanya. “Sabay natin itong gagawin,” sabi niya sa akin kaya yumakap ako sa kanya. ****** “Mahal, umuwi ka muna sa bahay. May mga kailangan lang kaming gawin,” sabi ko kay ninong. “Sabay tayong uuwi doon. Sabay nating tatapusin ito,” sabi niya sa akin kaya ngumiti ako sa kanya. Safe kaming nakabalik at dahil na rin sa tulong ng kaibigan niya. Sinundo agad kami ng helicopter ng kaibigan niya. Ngayon ay nandito kami sa headquarters. Ang una naming nahuli noon ay dinala na rin ni Elias dito. Kaya naman magkasama na sila. Kailangan muna naming kumuha ng ebidensya bago namin siya ibigay sa mga pulis. Siguro nga ay may kakampi kami sa mga pulis pero hindi lahat ay dapat naming pagkatiwalaan. Nakatulog ako kanina habang nasa byahe kami kaya gising pa ang diwa ko ngayon. Anong oras na pero tulog pa rin ang lalaki. Masyado
MARIANNE“Sino ang isinakay niyo sa loob?” tanong niya sa akin.“Kaibigan namin,” sagot ko sa kanya.“Sinungaling ka–”Hindi ko na siya hinayaan pa na tapusin niya ang sasabihin niya dahil mabilis ko siyang inatake at nakatulog siya. Bago pa may lumabas na iba ay ipinasok siya ni Andrew sa loob ng malaking basurahan. Mabuti na lang talaga at kasya siya. Medyo naawa ako sa kanya pero doon lang namin siya puwedeng itapon.“Mahal, mauna ka na. May kailangan lang akong ligpitin at kunin sa loob,” sabi ko sa kanya.“Sige, mahal. Kita na lang tayong dalawa sa bahay,” sabi niya sa akin na mukhang hindi naman siya nag-aalala. Hinalikan ko siya sa labi bago siya umalis.Ako naman ay mabilis na bumalik sa loob para burahin ang cctv footage. At kunin ang binayad ng fiancee ko dahil wala na akong balak na bumalik dito. Ito na ang una at huling beses na pupunta ako dito. Mabilis akong pumasok sa opisina ng boss nila.Binuksan ko ang computer niya. Walang password kaya mabilis ko lang itong nagawa.