MARIANNE“Kumusta kayong dalawa?” nag-aalala na tanong ko sa mga kaibigan ko pagpasok ko agad sa hotel room nila.“Okay lang kami, pretty. Sorry kung wala kami kagabi sa tabi mo,” sabi sa akin ni Libby.“Okay lang, ako ang dapat magsorry dahil nasaktan kayo ng dahil sa akin,” sabi ko sa kanila.“Wala kang kasalanan at isa pa okay na kami. Talagang tumalab lang ang gamot na ‘yon sa amin kagabi,” sabi sa akin ni Gene.“Tatalab talaga, hindi naman tayo mga immortal,” natatawa pa na sabi ni Libby na halatang okay na talaga siya kasi kaya na niyang magbiro ngayon.“Okay lang ba talaga kayo? Kasi naman baka mamaya ay–”“Kalma, relax. Okay na okay na kami kaya magtago na ang traydor dahil kami mismo ang pap*tay sa kanila,” sabi ni Gene sa akin.“Pagsabihan mo nga ‘yan si Val na mas higpitan ang screening nila sa mga bagong agent. Nakakaurat sila eh, nagkalat ang mga traydor,” sabi ko sa kaibigan ko.“Bakit naman ako?” nakanguso na tanong ni Gene.“Kasi sa ating tatlo ay ikaw ang mas malapit s
Last Updated : 2025-07-09 Read more