ISANG MATALIM na tingin ang pinukol ni Cain sa kaibigan. "Nananadya ka ba?"Napalunok naman ng laway si Levi. "Joke lang naman." Gusto pa ngang matawa pero pinili na lamang niyang itikom ang bibig. "Kidding aside, mukha kailangan atang pagbutihin ang panunuyo sa asawa mo. Hindi effective 'yung mamahaling wine, tsk, sayang talaga at tinapon. Dapat pala hiningi ko na lang." Saka pinagmasdan ang basurahan.Tumayo na sa kinauupuan si Cain matapos mairita sa boses ng kaibigan saka naglakad patungo sa hagdan.Napalingon naman si Levi matapos mapansin ang paglayo ng kaibigan. "T-Teka, sa'n ka pupunta?!"Para naman walang narinig si Cain na tuloy-tuloy lang.Samantala, sa ibaba naman ay abala sa pagkain sina Katherine at Daniel."Kumusta na nga pala si Sha-Sha?" tanong ng binata."She's fine, sa ngayon ay homeschooled dahil iyon ang nakasanayan niya abroad. But later on, ay ililipat ko sa new invironment. Hopefully, sa susunod ay makapasok na siya sa school," pagkukuwento naman ni Katherine.
Terakhir Diperbarui : 2025-05-26 Baca selengkapnya