NGUMITI si Katherine, ngunit alam naman niya sa sariling hindi talaga siya masayang makita si Stella. Magkaganoon man ay nagkunwari siya. "Ahm... pasensiya na pero..." Saka tiningnan si Cain. Inaasahang ito na mismo ang magpapaliwanag ng lahat.Hanggang sa isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Cain saka binulungan ang kasama. Rumehistro naman ang pagkabigla sa mukha ni Stella na tinakpan pa sa sariling bibig."Naku, wala man lang akong kaalam-alam." Bakas ang awa sa mukha, matapos ay bigla na lamang hinawakan ang kamay ni Katherine. "Ang hirap siguro ng pinagdadaanan mo... Wala kang maalala--" bago pa man matapos ni Stella ang sasabihin ay bumukas na ang elevator at nagsilabasan ang mga tao hanggang sa silang tatlo na lamang ang natira.Tuloy, parang gustong lumabas ni Katherine. "Dapat pala sumabay na 'ko sa iba, kaysa maiwan dito," bubulong-bulong niya pang sabi habang unti-unting dumidistansiya sa dalawa. Nang saglit siyang lumingon ay napansin niyang nakatitig si Ste
NANG marinig ni Cain ang pangalan ng asawa ay agad niya itong hinanap sa paligid. At gaya nga ng sinabi ni Levi, naroon nga si Katherine, kasama ng dalawa pang babae."Sino 'yung kasama niya?" ani Levi. "Ipakilala mo naman ako, maganda 'yung katabi niya, e."Napailing si Jared. "Sa layo natin, napansin mo pa talaga 'yung kasama ni Katherine?""Lumilinaw ang paningin ko 'pag nakakakita ng maganda. So, anong pangalan?" Sabay baling sa kaibigan na hindi na naalis ang tingin kay Katherine."Laura ata ang pangalan," ani Cain."Wow, ang ganda ng name niya. Bagay kami, parehong 'L' ang simula," saad pa ni Levi, kulang na lang ay kumislap-kislap ang mga mata.Mayamaya pa ay naglalakad na palapit si Cain ng pigilan ni Levi. "'Wag mo nang lapitan, baka umalis pa 'pag nakita ka... Do'n na lang tayo maupo!" Sabay turo sa table na malapit sa grupo, tatlong table lang ang distansiya. Safe sila sa puwesto na iyon dahil may nakaharang na malalaking halaman bilang partition. Makikita lamang sila kung
TUMANGO-TANGO si Lian saka malungkot na ngumiti. "Sorry, kung kinailangan kitang lokohin, Sissy. Ilang beses kong sinubukan na aminin sa'yo ang totoo pero kailangan ko talagang mag-ingat na hindi malaman ni Jared na buhay pa 'ko."Hinawakan ni Katherine ang kamay nito. "Naiintindihan ko naman pero pa'no na ngayon? Hindi ka ba nag-aalala na malaman ni Jared?""Kaya ko na siyang labanan, hindi na niya ako mapapaikot-ikot pa sa marumi niyang kamay. Dahil hindi na 'ko ang dating Lian."Napangiti si Katherine saka muling niyakap ang kaibigan. "Mabuti at nahanap mo 'ko kahit na nagtatago rin ako noon kay Cain.""Dahil sa tulong ni Brian. Nasabi niya sa'king nakita ka niya sa ospital. Kaya simula noon ay inaalam ko na ang nangyayari sa'yo habang nagpapalakas."Naiiyak na naman muli si Katherine, hindi pa gaanong nagsi-sink in ang lahat kaya medyo emotional pa. Hanggang sa napagpasiyahan niyang ipakilala ng maayos ang dalawang kaibigan sa isa't isa, "Siya nga pala, hindi ko pa kayo gaanong na
MABILIS na lumabas ng sasakyan si Sherwin ng makitang ang kasama pala ng kapatid ay si Cain. "Anong pinag-uusapan niyo?" Habang nagpapalipat-lipat ang tingin sa dalawa."Wala, inaalok ko lang siyang ihatid dahil matagal na siyang naghahantay rito," sagot naman ni Cain.Tiningnan naman ni Sherwin ang kapatid. "Sorry, Ate, na-empty 'yung phone, tapos sobrang traffic pa.""Ayos lang," tipid na sagot ni Katherine.Pagkatapos ay sabay na silang sumakay sa kotse. Nang malayo-layo na ay saka lang naglakas-loob si Katherine na tingnan ito sa side-mirror.At hindi iyon nakaligtas kay Sherwin. "Concern ka ba?"Mabilis na umayos ng upo si Katherine at tumingin ng diretso. "Hindi, pero sinamahan niya 'ko ro'n hanggang sa dumating ka.""Dapat pala sana, nagpasalamat ka."Nanahimik lang sa puwesto si Katherine sa halip na magkomento. Mayamaya pa ay ikinuwento sa kapatid ang napagkasunduan nilang dalawa ni Cain kagabi."Mabuti naman pala kung gano'n," ani Sherwin. "Masaya ka naman ba?"Pero hindi na
PASADO alas-sais ng umaga ay nakahanda na si Katherine pagpasok sa trabaho. Ang anak na bagong gising ay hinalikan niya sa tuktok ng ulo at pisngi. "Magwo-work muna si Mommy, okay?"Tumango-tango ang bata habang kinukusot ang mga mata. "Take care, Mommy. I will study hard."Napangiti naman si Katherine, habang tumatagal ay mas nagiging matured mag-isip ang anak. Hindi siya sanay at kung maaari ay gusto niyang manatili lang muna itong bata. Mas mainam na nae-enjoy nito ang kabataan."Okay, baby. Uuwi rin ako later," aniya, paalis na ng malingunan ang kabubukas lang na pinto at lumabas si Laura na may dalang tuwalya."Good morning," ani Katherine sa kaibigan."Good morning din." Saka naglakad patungo sa kusina.Natawa naman si Katherine, halata kasing inaantok pa ang kaibigan. Matapos ay saka siya tuluyang lumabas at sumakay sa elevator.Pagkababa ay naglakad na siya palabas ng condominium ng mamataan ang kotseng nakaparada sa hindi kalayuan. Napakunot-noo siya. "Kotse niya ba 'yun? Ba'
SA HINDI malaman na dahilan ay biglang sumikip ang dibdib ni Katherine. Gusto niyang kumbinsihin ang sarili na nasasaktan lang siya ngunit hindi maikakaila ang pagdaloy ng init sa kanyang pisngi at batok...Alam niyang iba ang pinapahiwatig ng kanyang puso at hindi niya iyon matanggap.Kinailangan niya pa tuloy pakalmahin ang sarili para lang hindi siya magmukhang apektado. "M-Mr. Vergara, sana maisip mo na hindi na 'ko ang dating asawa na minahal mo. At hindi na rin ikaw ang asawa na natatandaan ko, kaya pakiusap lang... tama na, tigilan mo na 'to." Saka siya napabuga ng hangin. "'Wag mo sanang kakalimutan ang kasunduan natin na matapos ang isang buwan, susundin mo ang gusto ko at maghihiwalay tayo ng maayos."Napatiim-bagang si Cain at kumuyom ang mga kamay. "Hindi ko nakakalimutan ang napagkasunduan. Pero 'wag mo rin sanang kakalimutan na asawa mo pa rin ako, legal na asawa. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit ka nakikipag-date sa ibang lalake."Mabigat na buntong-hininga ang pin