NAGSUKATAN ng matalim na tingin ang dalawang magkaibigan. Nakakuyom at naka-amba na ang kamay ni Cain pero nagpigil siya. Natauhan na hindi dapat pairalin ang init ng ulo."Ano, hanggang dito na lang ba tayo? Bira!" hamon pa ni Jared.Napatiim-bagang naman si Cain. "'Wag mong sasagarin ang pasensiya ko.""Tumigil na nga kayong dalawa!" hiyaw ni Levi. "Jared, jusko naman, Pare. Kumalma ka naman, tinatakot mo sila Katherine!"Dahil nagtatalo pa ang tatlo ay sinamantala naman ni Katherine ang pagkakataon, hinawakan ang kamay ni Lian saka ito hinila para makaalis na sila.Nang mapansin ni Jared na lalabas ang dalawang babae ay bigla siyang kinabahan. "Tabi, kakausapin ko lang siya!" aniya kay Cain, pilit itong tinutulak. "Lian, sandali lang!"Tumigil si Lian, kahit nagbukas na ang elevator ay nanatili siya na ipinagtaka ni Katherine. "Tara na, 'Gail," aniya sabay hila sa kamay nito.Umiling si Lian, kung aalis siya ngayon ay parang wala rin nagbago. Kailangan niyang harapin si Jared, pina
Last Updated : 2025-06-16 Read more