MAHIGPIT na yakap ang ginawad ni Helen sa anak, apo at maging si Katherine na hinatid siya sa airport. Ngayong araw kasi ay babalik na siya sa New Zealand dahil mas bumubuti ang kalusugan niya roon.“Mamimiss ko kayo, lalo ka na, my little cute one,” aniya kay Sha-Sha.“Sa December, ‘Mmy, magbabakasyon kami ro’n para makasama ka sa pasko.”“Okay, aasahan ko ‘yan. Sige, papasok na ‘ko sa loob.”“Babay, Lola,” sambit ni Shannon, naiiyak ng sandali iyon dahil ayaw niyang umalis ang abuela.“Tatawag ako sa’yo palagi,” ani Helen habang hinahaplos-haplos ang pisngi ng apo.Matapos ay tinulak na ng porter ang cart na nagdadala ng luggages.Nilingon naman ni Cain ang asawa. “Hon, hatid ko lang si Mommy sa loob.”“Aalis na ‘ko,” paalam ni Helen, tapos ay tinulak na ng assistant staff ang wheelchair papasok sa loob.Nang bigla na lamang yumakap nang mahigpit ang bata kay Katherine at umiyak. Iyong iyak na ayaw maiwan ngunit wala naman magawa.“Tahan na, baby, magkikita naman ulit kayo ni Lola mo
Last Updated : 2025-09-17 Read more