BINAWI ni Cain ang braso kay Joey saka ito mahinang binatukan sa ulo. “Kung makaawat ka naman, hindi ako manggugulo.”Napangisi lang si Joey saka kakamot-kamot sa ulo. “Alam ko naman ‘yun, Sir. Pero kita niyo naman ang itsura ng– ni Mr. Vergara ay baka patulan pa kayo,” aniyang naging self-conscious sa sasabihin. Mahirap na at baka may makarinig pa sa kanila.“Tara na nga,” ani Cain saka naglakad patungo sa elevator.“Sa’n tayo pupunta, Sir?”Pinaningkitan ito ng mata ni Cain. “Sa’n pa ba? Edi, sa office ko.”“Magtatrabaho agad kayo? Tatapusin ang naiwan niyong trabaho bago kayo umalis?”Ngumiwi si Cain. “No way…”Pagbukas ng elevator ay lumabas agad siya at naglakad patungo sa opisina. Sa pagpasok lang niya sinabi ang rason kung bakit niya gustong bumalik doon, “Tulungan mo nga akong magligpit.”Biglang naestatuwa sa kinatatayuan si Joey, parang hindi pa makapaniwala sa narinig. “S-Sandali lang naman, Sir. May isang linggo pa naman bago kayo–”“You think, hihintayin ko pa ‘yun?” puto
Last Updated : 2025-08-21 Read more