KASALUKUYANG nasa ospital si Levi, kausap ang warehouse and shipping staff sa phone, “Sigurado ka bang hindi gano’n kalaki ang damage?” tanong niya habang naglalakad palabas ng ospital.“Minor lang ho, Sir. Kaya kami nang bahala rito,” sagot nito sa kabilang linya.Napabuntong-hininga si Levi. “Sige, pupunta pa rin ako para makasiguro. Hindi puwedeng balewalain ‘to.” Pagkababa ng tawag, dumeretso siya sa front desk. “Nurse, kung sakaling may maghahanap, pakiiwan na lang ng mensahe, ‘kay?”Tumango ang nurse at ngumiti. “Yes, Dok Levi.”Paalis na sana siya nang mapalingon sa waiting area. Ang mga upuan ay nakaharap sa kanan, pero sa kaliwang side siya dumaan. Doon, sa may dulo, napansin niya ang isang babaeng nakaupo—nakapusod at mahaba ang buhok. Sa unang tingin, parang ordinaryo lang, pero nang makita niya ang nunal sa batok nito, biglang bumilis ang tibok ng puso niya.“Hindi… posibleng siya ‘yon?” bulong niya sa sarili habang dahan-dahang lumalapit.Ilang hakbang na lang ang layo ni
Last Updated : 2025-10-04 Read more