PAGKATAPOS ng lahat ng nasaksihan, hindi tumuloy si Levi sa warehouse. Imbes, dumiretso siya sa ospital. May bitbit siyang plastic bag na may tatlong bote ng alak.Oo, magpapakalasing siya para matahimik at mawala lahat ng gumugulo sa isip.Habang naglalakad sa hallway, may nakakasalubong siyang medical staff na bumabati sa kanya, “Hello, Sir Levi!”Ngunit parang wala siyang narinig. Diretso lang pasakay sa elevator, walang imik, walang ngiti.Kaya nagtaka tuloy ang mga ito. Nasanay kasi na laging friendly si Levi. Iyong tipong kahit pagod, nakukuha pang ngumiti. Pero noong sandaling iyon ay ibang-iba ito.Pagdating ni Levi sa opisina, agad niyang inilapag nang pabagsak sa mesa ang supot ng alak. Umalingawngaw ang tunog sa tahimik na silid saka pabagsak na naupo sa sofa.Ipinatong niya ang braso sa mga mata, tila nais ipahinga ang paningin. Ilang sandali siyang ganoon habang iniisip si Suzy, hindi pa rin nagsi-sink in sa kanyang nakaharap ito kanina.Napangiti siya sa tuwa. Pero nang
Last Updated : 2025-10-06 Read more