HUMINGA nang malalim si Katherine, naiintindihan kung saan nanggagaling ang kaibigan pero…“Laura, mas mabuti siguro na hayaan mo si Sherwin na magdesisyon. ‘Wag mong akuin, dahil hindi na lang ito tungkol sa’yo—may bata nang involved. Let him decide, hmm?”Mabagal ang pagtango ni Laura, matapos ay natahimik na silang dalawa. Nakatingin lang sa labas, sa mga nagdaraan na sasakyan.Ganoon sila ng ilang sandali hanggang sa napagpasiyahang bumalik na sa building.Paglabas sa convenience store ay napansin agad nila si Sherwin na palapit kahit pa marami ring naglalakad. Sa tangkad ba naman nito, paniguradong angat kahit maraming taong nakaharang sa daan.Huminto silang dalawa sa paglalakad at hinintay itong makalapit.“Sa’n kayo galing?” ani Sherwin, may kaunting hingal sa boses na tila ba galing ito sa pagmamadali.“Sa convenience store lang,” sagot ni Katherine, sabay turo sa pinanggalingang direksyon. “Ikaw, sa’n ka papunta?”“Wala… nagmessage si Cain. Ang sabi ay magkasama kayo kaya na
Terakhir Diperbarui : 2025-12-22 Baca selengkapnya