NAPAKURAP-KURAP ng mata si Suzy, tila hindi pa siya sigurado sa narinig kaya pinaulit niya, “A-Anong sinabi mo?”Tumingin si Levi, direkta sa mga mata nito. “Gusto ko rin mag-stay.”Kumibot ang labi ni Suzy, maraming gustong sabihin pero hindi niya mabuo sa isip ang salita. Na-o-overwhelm siya sa narinig.“O-Okay,” aniyang nahihiya, gustong takpan ang mukha.Pagkatapos ay saglit silang natahimik hanggang sa makabalik si Rodrigo at mapansin ang tila nahihiyang ekspresyong makikita sa mukha ni Suzy. “Ayos ka lang? May nangyari ba, while nasa labas ako?”Mabilis itong umiling saka pinagpatuloy ang pagkain na parang walang nangyari pero hindi maitatago ng namumulang pisngi ang katotohanang may nangyari nga.“Sunduin ko muna si Stephen,” paalam niya.Nag-angat ng tingin si Suzy sabay tango ngunit nang magtagpo ang tingin nilang dalawa ay bigla siyang tiningnan nang kakaiba ni Rodrigo—mapanukso.Tinaasan naman niya ito ng kilay. “‘Blema mo?!” Pagtataray niya.Ngumiti lang si Rodrigo sabay l
Huling Na-update : 2025-10-24 Magbasa pa