BAGO pa man makapagsalita si Laura, bumukas ang pinto at pumasok si Sherwin na tila hinihingal—animo ay galing sa pagtakbo.Agad pinunasan ni Juliet ang gilid ng mata, itinatago ang bakas ng luha saka ngumiti sa bagong dating. “Maaga ka atang umuwi, hijo,” aniya, bahagyang paos ang boses.Lumapit si Sherwin, agad napansin ang luggage na nasa tabi ng sofa. “Tumawag sa’kin si Ate, kaya napauwi agad ako,” aniya, malamig pero mahinahon ang tono.Tumayo si Laura, hinarap ito. “Sinabi ba ni Katherine na tulungan mo ‘ko? Kung ‘yun ang inuwi mo rito, hindi na kailangan at kaya ko ng sarili ko.”Saglit na natahimik si Sherwin. Tumingin siya kay Laura, diretso sa mga mata nito. “‘Wag ka nang tumanggi, kailangan mo ng tulong,” mahinahon niyang sabi. “Hindi sa lahat ng pagkakataon o oras ay dapat mong akuin lahat. May mga taong handang tumulong sa’yo at kami ‘yun.”Napayuko si Juliet, ramdam ang bigat ng sitwasyon. “Tama si Sherwin, anak. Hindi ko maiwasang malungkot at mag-alala dahil wala man l
Last Updated : 2025-11-02 Read more