TILA tumigil ang oras ng sandaling iyon para kay Laura, bigla siyang nanghina at ang sakit na dulot ng biglaan nitong ulos ay naramdaman niya sa buong katawan.“L-Laura?” bakas ang pag-aalala sa boses ni Sherwin.“Don’t move!” singhal ni Laura, saka ito niyakap nang mahigpit sa batok at pinulupot ang dalawang binti sa bewang nito. “Go, sa kama tayo!”Dahan-dahan naman naglakad si Sherwin patungo sa kama, akmang ihihiga ito nang kagatin siya sa balikat. “A-Aray! Bakit?!”“Sinabi ko bang ihiga mo ‘ko? Maupo ka lang!”“‘Wag ka ngang sumigaw, nabibingi ako,” reklamo ni Sherwin.“Kasalanan mo!”Nasigaw pa rin ito kaya nainis na ang binata. “‘Wag na nga lang natin ‘tong ituloy, nasira na ang mood.” Pero muli lang siyang kinagat sa balikat. “Ano ba, namumuro ka na!”“‘Wag ka kasing gumalaw, ang sakit!”Mariing pumikit si Sherwin, kinakalma ang sarili. “Okay, okay, hindi na,” aniyang may munting ngiti sa labi.Napatingin naman si Laura saka ito tiningnan nang masama. “Anong nakakatuwa? Masaya
Last Updated : 2025-11-11 Read more