PAGKASAKAY ni Laura, ay tahimik lang siyang nag-seatbelt bago isinara ang pinto. Mula sa salamin ay kita niya ang tatlong empleyadong halos magkukumpulan sa likod, hindi maitago ang kilig at tuwa na para bang artista ang nasa harapan nila.“Ah, Sir… thank you po sa libreng sakay,” bungad ng isa.Ngumiti ang binata, sabay pakilala, “Sherwin na lang itawag niyo sa’kin.” Diretso lang ang tingin sa kalsada nang muling magmaneho. “Sa’n ko ba kayo ibababa?”Sinabi ng isa sa tatlo ang address, “Nasa iisang boarding house lang kami.”Tumango si Sherwin, matapos ay nagsimula ang bulungan sa likod. Mayamaya pa ay hindi nakatiis ang isa sa tatlo. “Ahm… matagal na kayong magkakilala ni Ma’am Laura?”Saglit na lumingon si Sherwin sa passenger seat sabay tango. “Yup, since mga bata pa lang kami.”“Magkababata pala kayo,” komento ng isa.Si Laura na nananahimik sa kinauupuan ay sumabat na, “Kapatid siya ni Katherine.” Sabay turo sa binata gamit ang hinalalaki.Nabigla, at napasinghap pa ang tatlong
Last Updated : 2025-12-09 Read more