MATAPOS maghapunan ay lumabas si Laura sa veranda para sagutin ang tawag ni Jude. Tahimik ang paligid, tanging mga kuliglig lang ang maririnig nang ilapit niya ang cellphone sa tenga.“Sorry, hindi ako nakatawag kahapon,” bungad ni Jude, halatang nahihiya. “May dinner akong pinuntahan… ayun, nalasing ako.”Napangiti si Laura. “Ayos lang ‘yon. Maaga rin naman akong natulog kagabi.”Nakahinga nang maluwag si Jude at nagsimulang magkuwento tungkol sa meeting na dinaluhan niya. Ramdam ni Laura ang saya nito sa kabila ng gaspang ng boses, paniguradong kagigising lang nito. “Successful lahat, Laura. As in sobra. Hindi ko in-expect na magiging gano’n ka-smooth ‘yung proposal.”“That’s good to hear,” sagot niya habang nakatitig sa madilim na bakuran. “Masaya ako para sa’yo.”Tuloy lang sa pagkukuwento si Jude, mas mahaba kaysa sa nakasanayan nilang pag-uusap. Madalas kasi, sandali lang pero ngayon, mahaba at hindi na siya nagtaka dahil masayang-masaya ito. Kaya nakinig lang siya nang tahimik,
Last Updated : 2025-12-02 Read more