CHAPTER 26 3RD POV “Mommy! Daddy!” Malakas na sigaw ng apat nilang anak, habang tumatakbo sila papalapit sa kanila. “Ayan na binalik ko na ‘yang mga anak niyo, ayaw niyo kasing ipahiram sa akin.” Napangiti si Gray, habang napatingin sa kanyang ina, dahil sa sinabi nito. “Mommy, dalawang buwan na rin kasi na nasa bahay niyo ang mga bata. Na-miss na po namin sila.” Mahina na sagot ni Arya rito. “Bakit kasi ayaw niyong tumira sa bahay?” “Wife, kung gusto mo, gumawa nalang tayo ng bagong bab-.” Hindi natapos ni Rey, ang sasabihin niya at napasigaw ito ng apakan ng kanyang asawa ang kanyang isang paa. “Basta bukas, hiramin ko ulit sila.” Wikang muli ng kanyang ina, kaya napalingon si Arya sa kanya. “Mom, sa susunod na araw na. Balak kasi namin na mamasyal kasama ang mga bata.” Wika niya, kaya masama itong tumingin sa kanya. “Mamasyal pala kayo sasama na ak-.” “Wife, halika na.” Wika ng kanyang ama, habang hinila ang kanyang ina. Napangiti naman si Gray, habang nakatingin sa mga m
Last Updated : 2025-05-25 Read more