CHAPTER 29 3RD POV “Nasa’n ka?” Galit na wika niya, matapos sagutin ni Dave, ang kabilang linya. “Nagpa-register pa ako.” “Register?” Ulit na wika niya rito. “Oo, bakit?” Tanong nito sa kanya. “Anong bakit? Nasa’n na ang pera na sinabi mo sa akin?” “Pwede ba, mamaya na ‘yon. Isa pa, hindi naman ako aalis.” Sagot nito sa kanya. “Anong mamaya? Ayoko ng mamaya, gusto ko ngayon na.” “Sie, hintayin mo nalang ako.” Wika nito, at mabilis na pinutol ang tawag. “Kainis! Pinatayan talaga ako?!” Galit na sigaw niya. Hindi naman mapakali si Keana, dahil ilang oras na ang lumipas, pero wala pa rin si Dave. ‘Lagot ka talaga sa akin, g*go ka.’ Napa-kuyom ang kamao niya, habang umupo sa sofa. Wala rin siyang balak na bumalik sa kanyang swivel chair, at pag-aralan ang mga document, dahil alam niya na hindi siya makapag-focus, hangga’t hindi niya makikita ang pera. “Keana.” Inis niya itong tiningnan, matapos itong pumasok.“Bakit ngayon ka lang?” Tanong niya rito. “Ito na nga ‘yong pera.
Last Updated : 2025-06-09 Read more