MY MYSTERIOUS WIFE BOOK XXVIICHAPTER 53RD POV “Kanina pa kita hinahanap.” Napalingon si Shu Zen, at nakita ang isa sa mga katulong. “Pwede mo ba akong samahan.” Wika niya, habang bakas sa mukha nito ang pagtataka, habang tumingin ito sa kanya. “Saan? Gusto ko kasing umuwi sa amin,” sagot ni Shu Zen, habang malakas itong tumawa. “Naku Sofia, ‘wag mo nga akong pinagloloko, bilisan mo na para alam mo na ang maging trabaho mo rito.” Wika nito, habang wala siyang nagawa, kun'di ang sumunod dito. “Anong gagawin ko rito?” tanong ni Shu Zen, habang nakatingin sa hawak niya. “Hindi mo ba alam kung ano ‘yang hawak mo?” Tanong nito sa kanya, habang mabilis siyang umiling. “Walis ‘yan, kaya simulan mo nang magwalis, mula rito hanggang sa taas.” Namilog ang kanyang mga mata, na tumingin sa taas, at muling tumingin dito. “Sa tingin mo ba kaya kung magwalis d'yan?” Wika niya, habang kunot-noo itong tumingin sa kanya. “Kayanin mo, dahil hindi ka prinsesa rito. Tandaan mo, isa ka lang katul
Magbasa pa