AshlynHindi ko kailanman inakala na hahantong sa ganito ang lahat. Si Ashley… Hindi rin minsan man sumagi sa isip ko na kaya niyang bumaba sa ganitong antas ng kasamaan, kasinungalingan, at desperasyon na wala sa lugar.Nasa kwarto ako ni Asher, maingat na inaayos ang mga gamit na pwede niyang dalhin pauwi sa kanyang ina. Isang bagay na ayaw na ayaw kong gawin. Kung ako lang ang masusunod, hindi siya aalis sa piling ko. Pero gaya ng sinabi ni Marco, baka lalo lang kaming mawalan ng karapatan kung susuwayin namin ang utos ng korte. Mahirap kalabanin ang batas, kahit na alam mong mali ang naging desisyon nito.“Ma’am... baka kung ano pong mangyari kay Asher kapag napunta na siya sa ina niya,” ani Rere, bakas sa boses niya ang pag-aalala habang maingat niyang isinilid sa maliit na bag ang mga vitamins ng bata.Napabuntong-hininga ako. “’Wag kang mag-alala, babalik din sa atin si Asher,” sagot ko, pilit na pinatitibay ang loob naming pareho. “Hindi kami titigil ni Marco hangga’t hindi siy
Terakhir Diperbarui : 2025-06-28 Baca selengkapnya