AshlynTahimik kaming nakaupo ni Marco sa gilid ng kama, mga kamay namin ay magkahawak, ngunit parehong may bigat sa dibdib. Ang buong bahay ay tila tahimik na sumasalamin sa alon ng mga emosyong hindi namin masambit agad. Ang ilaw sa lampshade ay may malamlam na liwanag, sapat lang para makita ko ang pag-aalala sa mga mata ng asawa ko.“Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi niya,” bulong ko habang pinipilit kong pigilan ang pag-angat ng luha sa aking mga mata. “Sa halip na matuwa ako na ligtas siya, na buhay pa rin siya... bakit parang mas lalo pa akong nasasaktan?”Hinagod ni Marco ang likod ng kamay ko, tila sinusubukang palakasin ang loob ko, pero ramdam ko rin ang tensyon sa kaniyang bisig."Sinabi niya ‘yon habang alam niyang ikaw ang tunay kong asawa," mahinahon ngunit mariing sabi niya. "Walang pasintabi, walang pagkilala sa tama at mali. Wala siyang pinagsisisihan."Tumango ako, bagamat mas lalong sumikip ang dibdib ko. "Akala ko, pagkatapos ng lahat ng ginawa niya… matatauh
Huling Na-update : 2025-08-07 Magbasa pa