Ashlyn“Dito ka, Rere. Ako sa kanan. Tiyakin mong bantayan ang lahat ng exit points. Bawat sulok, bawat posibleng lagusan. Kung sakaling lumabas si Asher, dapat hindi siya makalayo,” utos ko, halos habol ang hininga habang sinisikap na manatiling kalmado.“Opo, Ma'am,” tugon niya. Halata sa tinig niya ang pagod, pero mas nangingibabaw ang pag-aalala. Pareho kaming lumalaban sa kaba at pagod.Ang maze garden ay hindi basta simpleng taniman ng mga halamang ornamental. Para itong isang dambuhalang labyrinth mataas ang mga hedges, mga isa at kalahating metro ang taas na medyo okay lang sa mga bata, at sa bawat liko’y may sulok na pwedeng taguan ng isang bata. Isang lugar na parang dinisenyo para sa paglalaro… o pagtatago.Habang binabaybay ko ang mga daan, bawat hakbang ay katumbas ng tumitinding kaba. Naririnig ko ang sarili kong paghinga, mabilis, mabigat, parang may hinahabol akong multo ng pangamba. Minsan, iniisip kong baka hininga na iyon ni Asher. Pero sa bawat pagliko ko, wala pa r
Terakhir Diperbarui : 2025-07-15 Baca selengkapnya