MarcoSobrang saya ko. Maayos na kami ni Ashlyn.Sa totoo lang, hindi ko inakala na darating pa ang araw na ganito kami, magkausap nang mata sa mata, magkahawak-kamay, at parehong handang magsimula muli. Nang sabihin niya sa akin ang totoo tungkol sa kalagayan niya, may bahid ng lungkot sa boses niya, pero nandoon din ang pag-asang baka sakali."Marco…" mahinang tawag niya habang nakaupo kami sa balcony ng aking study room, sabay sandal ng ulo niya sa balikat ko. "Hindi ko alam kung may pag-asa pa. Pero patuloy ako sa pagdadasal na sana, pagkalooban pa rin tayo."Hinawakan ko ang kamay niya. Ramdam ko ang lamig, ang panginginig, hindi dahil sa hangin kundi dahil sa takot na baka hindi ko siya matanggap. Pero paano ko ba siya hindi matatanggap, kung siya ang buhay ko?"Pinakasalan kita, Sweet… hindi dahil sa anak na pwede nating mabuo, kundi dahil ikaw 'yon. Ikaw mismo," mahina kong sagot habang hinahaplos ang buhok niya. "May Asher ako, at si Maya naman ay parang anak ko na rin. Tapos
Terakhir Diperbarui : 2025-06-07 Baca selengkapnya