Next:Hindi namalayan ni Everest na sa sobrang pagod niya ay nakatulog na pala siya habang nag-uusap pa rin sila ng asawa. Hindi rin niya namalayan na tinulungan siya ng asawa na magbihis. Kinabukasan, pagkagising ay wala na ito sa kanyang tabi pero nang makalabas siya ng kuwarto ay maingay na boses ng magkapatid na Gaele at Galya ang narinig niya. Nangingiting bumaba siya ng hagdan para lapitan ang mga ito. Mamaya pang hapon ang schedule niya para sa unang fan meeting event niyang gagawin. Excited na siya pero kinakabahan. Hindi lang ito basta fan meet. Magkakaroon din ng games para makihalubilo sa mga solid fans at isa pa, gagamitin niya rin ang event na ito para mag-promote ng kanyang bagong magazine na ilalabas sa susunod na buwan. “Oh, Everest. Gising ka na pala…” Si Lola Andrea ang unang nakakita sa kanya at agad siya nitong malugod na binati. Kailanman, kahit nalaman nito na minsan ay nagsinungaling sila ni Fredrick, hindi siya nito tinrato nang masama. Mas lalo pa itong nagi
Last Updated : 2025-08-02 Read more