Next:“Ano’ng sabi ng doktor, Griffin?” nabalot ng pag-aalala ang mukha ni YLena nang lumabas si Griffin matapos ang CT scan nito. Kaagad namang lumapit sa kanya si Griffin at kinuha ang kanyang palad upang pagsalikupin ang daliri nila. “Wala kang dapat na ipag-alala. Tulad ng sinabi ko ay ayos ang lahat. Nagkaroon lang ako ng kaunting concussion dahil sa lakas ng impact ng pagkapalo pero other than that ay wala namang dapat ikabahala. And the doctor also gave me prescriptions. After we go to the pharmacy, we will go back to the office.”Nakagat ni YLena ang pang-ibabang labi. Kahit naabisuhan na ni YLena si Wally, ang kanyang boss, ay nakaramdam pa rin siya ng hiya dahil masiyado na siyang late sa opisina. Mabuti na lang at tinawagan na rin ito ni Griffin at ibinahagi dito ang tunay na nangyari. “Pupunta ka pa rin sa opisina sa lagay na ‘yan?” agad na apela niya. Dahil medyo napalakas ang boses niya ay pinagtinginan sila ng ibang pasyente at mga nurses na nasa pharmacy. “I have a
Terakhir Diperbarui : 2025-12-16 Baca selengkapnya