Arianne“Ang sabi ko ay aalis ako, Victor.”“Huwag na, magpahinga ka muna,” tugon niya. Nakahiga na kami at payapa na ang umaalimpuyo naming pagnanasa sa isa’t-isa. Kahit na natigilan siya sa unang beses ay hindi naman iyon naging daan para tuluyang mawala ang poagnanais niyang maangkin ako ng kung ilang ulit. At ang sinabi kong hugutin niya ay hindi nangyari. He always does what he wants. Sana lang ay hindi ako mabuntis agad at magpi-pills na lang ako.“Sobrang delay na yung project namin. Baka hindi umabot ang savings ko sa panggastos dito sa bahay.”“Bakit mo ba iniisip ‘yon?” tanong niya sabay tingin sa akin.“Ha? Naloloko ka na ba? Paano ko namang hindi iisipin iyon eh ayaw kong mamatay ng dilat ang mga mata ano.”“Ako na bahala sa gastusin dito sa bahay.”“Wala ka pa namang trabaho at ayaw kong manghingi ka sa Daddy mo.”“Alam mo, baligtad ka. Yung iba nga baka ssinnabihan pa ako na kila Dad tumira tapos ikaw ayaw mo ng pera niya.”“Sige pa, i-compare mo pa ako sa mga babae mo.”
Last Updated : 2024-11-10 Read more