“Kapag inaway ka ni Kiel, alam mo ang uuwian mo, ha? Kapag nagloko siya, isang tawag lang ang layo ko sa ‘yo, tandaan mo. At kung may kailangan ka, anything, sanayin mo na ang sarili mong unang lumapit sa akin,” paalala ni Rolly kay Erin habang nakasakay sila sa lift, paakyat sa rooftop ng condo tower ni Kiel.Doon ginawa nina Suzanne at Chantal ang isang simpleng set-up para sa civil wedding nila ni Kiel. Si Suzanne ang nag-suggest ng venue na ‘yon para hindi raw siya masyadong mahirapan given her condition. Hindi na siya restricted sa kama. Pumayag na ang kanyang doktor na maglakad siya sa loob ng bahay. But she cannot go on long drives yet. Kaya naman imbes na sa unit lang ni Kiel sila makasal, umoo agad si Erin sa suggestion ni Suzanne na sa rooftop na lang ng building ang venue, accessible and not too simple.Nang malaman ng kanyang mga tauhan sa AdSpark na ikakasal na sila ni Kiel, nagboluntaryo ang mga ito na sila na ang bahalang kumontak sa lahat ng suppliers. Suzanne and Cha
Last Updated : 2025-06-20 Read more