Agad na nalaglag ang panga ni Lily sa sinabi ni Liam, lalong napuno ng katanungan at pag-aalala ang isip.“S-sir… w-wala po sa usapan natin i-ito…” alanganing sabi ng dalaga, inalis ang kamay sa mug bago niyakap ang sarili.Nagbuhol sandali ang mga kilay ni Liam, kapagkuwan ay bahagyang natawa. “No, Lily. I mean, I’m not asking you to stay for any other reason but… you stay with me tonight.”“S-stay? Paanong stay, Sir? As in dito ako matutulog?”Tumango si Liam. “Exactly!” umpisa ng binata, sandaling humigop ng kape sa mug nito bago nagpatuloy. “Someone’s following me mula nang makasal tayo two and half months ago. It was one of Darwin’s men. They are trying to find something against me to support their case.”“C-case? Kinasuhan ka pa rin nila kahit na…”“Yes. Nag-file sila ng kaso to dispute the last will and testament of my adoptive parents. My legal team was already on top of it but they advised me to make sure that Darwin’s camp will not find anything against me. Kaya ako umuwi. S
Sandaling natulala si Lily, muling napuno ng katunungan ang isip, wala sa sariling tumingin sa iba pang naroon sa waiting shed at nag-aabang din ng masasakyan.“Just get inside, Lily! Wala ka nang ibang masasakyan pa ngayon!” sigaw ulit ni Liam sa loob ng sasakyan.Sandali pang nag-isip ang dalaga. Subalit, tama si Liam. Sa lakas ng ulan, malabo siyang makakuha ng masasakyan sa susunod na isang oras o higit pa.Nagmamadaling humakbang palapit sa sasakyan ang dalaga, binuksan ang pinto ng passenger’s seat bago sumakay sa sasakyan. Pagkatapos niyon, pinausad agad ni Liam ang sasakyan.Mabango ang sasakyan ng binata, amoy bago. Sa katunayan, may protective plastic pa ang ilang bahagi niyon, hindi pa natatanggal.“B-bago itong sasakyan mo?” wala sa sariling tanong ng dalaga.“Yes. I bought earlier. It’s a decoy car,” sagot ni Liam, ang mga mata nasa daan.Lihim na napangiwi ang dalaga. Kabago-bago ng sasakyan tapos dinumihan lang niya. “Sorry, nabasa ko ang sasakyan mo. Bago pa naman.”
“S-Sir L-Liam…” bulong ni Lily, nanlalaki ang mga mata. “B-bakti ka nandito? I mean…” hindi maituloy-tuloy ng dalaga ang nais sabihin dahil maraming katanungan ang gumugulo sa kanyang isip.Nagsalubong ang mga kilay ni Liam, nagbuga ng hininga. “What do you mean I’m here? Bawal ba akong pumunta rito?”Agad na nataranta si Lily. “H-hindi po, Sir. A-ang ibig kong sabihin… a-ano… hindi ko alam na nandito ka sa Pilipinas. Kaya nagtataka ako. Ang sabi mo kasi noong huli tayong magkita, m-magiging busy ka,” kandautal na paliwanag ng dalaga.Sandali pang pinakatitigan ni Liam si Lily, bago bahagyang binitiwan ang dalaga. “I have things to… to attend to,” umpisa ng binata, mabigat ang tinig. “At ikaw? Bakit ka nandito? And enjoying the company of a man too! Hindi ba malinaw sa kontrata natin na bawal ang sino man sa atin na makita in public na may ibang kasama until our contract stands? You are even braver than I initially thought, Lily Rose. Are you dating in broad daylight?” dugtong pa ng b
“Noel, may OT kami sa opisina mamaya. Agahan mo na lang umuwi para hindi masyadong gabihin si Mara,” bilin ni Lily sa kapatid na noon ay nasa mesa pa at nag-aagahan. Ang Mara na tinutukoy ng dalaga ay ang caregiver na pansamantala niyang kinuha para kay Esme.Balik eskwela na kasi si Noel. Ayaw naman niyang iwan na mag-isa ang abuela sa kanilang bagong bahay. Dalawang buwan mahigit na ang nakalipas mula nang maoperahan ito subalit, dahil sa katandaan, natatagalan ang paggaling nito. Kaya minabuti na lang ni Lily na kumuha ng caregiver para sa abuela.“Sige ate, susubukan ko. Baka kasi ma-traffic ako. May inaayos kasing daan ngayon papunta sa university. Doon kami dumadaan sa detour e sobrang traffic doon,” ani Noel, sumubo ng pagkain.Tumango si Lily, sinuot na ang sapatos. “Basta kapag alam mong alanganin ka na,tawagan mo ako agad para mapakiusapan ko si Mara na mag-extend ng oras niya rito.”“Oo ate,” ani Noel, inilagay na sa lababo ang pinagkainan nito.Naglakad na si Lily palapit
“Lily, you should’ve told us about your grandmother,” ani Erin Benavidez, ang CEO ng AdSpark Media at siyang boss ni Lily.Kapapanganak lang nito at ilang buwan na ring naka-maternity leave dahil maselan ang naging pagbubuntis nito. Idagdag pa na marami din itong pinagdaanan tungkol sa asawa na nito ngayon na si Engr. Ezekiel Benavidez.Sa buong panahaon na buntis ito, si Lily ang naging mata, kamay at paa nng babae sa AdSpark kasama ang vice president ng kumpanya na si Suzanne.Subalit madalas na naka-rely si Suzanne kay Lily kung tungkol sa kanilang mga kliyente ang pinag-uusapan. Mas sanay kasi ang dalaga sa pakikitungo sa mga ito. She knew their preferences. At mas kumportable ang mga ito sa pakikipag-usap sa kanya. Na hinayaan lamang ni Erin upang maging mas magaan ang trabaho ng mga nasa kumpanya. Erin trusts Lily so much. Subalit may isang rule lang ito na hindi pwedeng baliin ni Lily, kailangan niton ireport sa boss ang lahat.Aminado si Lily, inilihim niya ang pagkakasakit n
“Kap, pinaglalaban ko lang ang karapatan ko,” ani Boying nang magharap-harap sila ni Lily sa barangay hall. Doon pinatuloy ng kapitan ng barangay ang mga ito upang mapag-usapan nang maayos ang bawat ipinupunto ng mag-tiyuhin.Alam na agad ni Lily na magiging mahirap para sa kanila ni Noel ang umalis na lang nang basta sa poder ng tiyuhin. Kaya sinadayang magpasama ng dalaga sa kapitan pauwi. At gaya ng inaasahan, agad na pinakita ni Boying ang kagaspangan ng ugali nito nang magpaalam sila ni Noel na aalis na sa bahay nito. Mabuti na lang at nasaksihan iyon n kapitan. Hindi na maipipilit pa ni Boying ang anumang baluktot na mga rason nito.“At ano-ano ang mga ‘yon?” tanong ng kapitan sa matandang lalaki, pormal.Tumingin si Boying sa mga pamangkin na noo’y nakaupo sa tapat nito. “Ako ang nagpakain sa mga ‘yan, nang maulila silang dalawa. Kinupkop ko sila at itinuring na mga anak. Mas alaga ko pa nga ‘yang mga ‘yan kaysa kay RJ e.”“Kasi nakulong si Kuya RJ kaya hindi mo siya naalagaan,