Tuluyang natameme si Maredith. Pakiramdam niya’y pinagtaksilan na naman siya ni David dahil sa ginawa nito. Mas masakit pa, lalo na at may kinalaman kay Aeverie. Noong nalaman niyang nagpakasal si Aeverie sa isang lalaki at nakipagsama rito ng tatlong taon, hindi niya magawang maniwala. Lumaki ito sa piling niya, sinubaybayan niya ang paglaki nito at iningatan niya ito sa abot ng kaniyang makakaya. Hindi lingid sa kaniyang kaalaman kung gaano nito kinasusuklaman ang kanilang pamilya dahil sa masilimuot na relasyon nila. Kaya naisip niyang mahirap para kay Aeverie na magtiwala sa lalaki— hindi ito mag-aasawa agad. Ngunit mali pala siya. Habang lumalaki si Aeverie, nakikita niyang unti-unting nagbabago ang ugali nito. Aeverie was a sweet loving child. Dahil pala-palagi silang magkasama, nakuha nito ang ugali niya. Mahinahon, malambing, at mapagmahal ang batang Aeverie. Ngunit nang tumatanda na ay unti-unti nang nagiging malamig, matigas, at mapag-isa. Hindi na niya mahanap ang d
Terakhir Diperbarui : 2025-12-30 Baca selengkapnya