Sa pasilyo, malayo si Silvestre kay Aeveri habang sinusundan ang babae. Ayaw niyang mapansin nito ang kaniyang presensya kaya’t hanggang maaari ay tahimik lamang siyang sumusunod at binibigyang distansya ang pagitan nila. Kapag naman nasa opisina ito ay nasa labas naman siya ng opisina, nagbabantay ay naghihintay hanggang sa matapos ito sa trabaho. Pagkatapos nilang mag-usap ni Maredith Sevilla kanina, mas naging tahimik siya. Minsan ay nararamdaman niyang sumusulyap sa kaniya si Aeverie, pero kapag binabalingan niya ito ng tingin, sa ibang bagay nakapokus ang atensyon nito. Ngunit alam niyang hindi guni-guni na sumusulyap ito sa kaniya. Buong araw, simula nang bumisita si Maredith, pakiramdam niya’y tinitingnan siya ni Aeverie. Hindi niya lang ito mahuling nakatingin sa kaniya. Lunch break, bumaba ito sa restaurant kaya nakasunod siya. Kagaya noong unang araw niya, pinaupo pa rin siya ng waiter sa kalapit na mesang inuukupa ni Aeverie. Nag-order sila at sabay na kumain. No
آخر تحديث : 2026-01-06 اقرأ المزيد