Lunch nang bumaba si Aeverie sa restaurant para kumain at para na rin kitain si Achilles. Pinatawag niya ang kapatid para makausap ito, lalo pa't nangangailangan ng tulong si Rafael sa kompanya. Iyon kanina ang napag-usapan nila ni Rafael noong pababa sila sa dining room, gusto nitong humingi ng tulong kay Achilles. Nakareserved na ang mesa na madalas niyang puwestuhan. Si Silvestre naman ay iginiya sa kalapit na mesa. Hindi pa sila nag-uusap simula kaninang umaga at pinagsisikapan ni Aeverie na iwasang makausap si Silvestre. Pagkatapos niyang mag-order ay siya namang pagdating ni Achilles. Achilles is wearing white long sleeve, black pants, and black shoes. Pormal at simple. Dumiretso ito sa kaniyang mesa nang matanaw siya, tumayo naman siya para salubungin ang kapatid. “Achilles.” Bati niya. Niyakap niya saglit ang lalaki nang makalapit ito sa kaniya. Marahan naman na tinapik ni Achilles ang kaniyang likod. “How are you, little Aeve?” Bulong nito. Natawa siya ng marahan. “Do
Read more