[Hakuna Miran’s Point of View.]"M-Miran," bahagya siyang namaos at kasisigaw niya siguro."J-Janell—" natigil ako ng malaman na ate ko siya, huminga ako ng malalim."H-Hindi ko alam kung anong itatawag ko sa'yo, can't we just stay at being so comfortable using our endearments?" Naiilang na sabi ko, "Hindi ko pa alam, hindi pa malinaw sa akin ang lahat." Dagdag ko."I-Ikaw bahala kung saan ka kumportable," sagot niya kaya tumango ako."Kumusta yung nararamdaman mo?" Hinawakan ko ang kamay niya at pinakiramdaman ang init no'n, mainit nga siya."O-Okay lang ako," naiilang kami sa isa't isa at hindi ko na alam ang sasabihin pa."Anong nangyari sa paa mo?" Kwestyon ni Janella at sinilip 'yon, umiling ako at ipinakita 'yon sa kaniya, "May naapakan lang ako na bubog." Ngumiti ako at tinitigan siya, hindi ko alam ang mararamdaman sa mga sandaling ito."Hindi ka nag-iingat," bigla ay parang ate siyang nansermon sa akin kaya mas napangiti ako."Dito ka muna kay mama, mas maalagaan ka niya." Su
Read more