[Hakuna Miran’s Point of View.] "K-Kinalimutan niyo ako, a-ah hindi tuluyan mo akong ibinaon sa lupa na para bang walang Janella, na para bang sana hindi na lang ako pinanganak!" Napalunok ako na tila may bumabara sa lalamunan ko. "H-Hindi ko na po alam, ayoko na po, ayoko ng mabuhay." Napatitig ako kay Janella ng pahidin niya ang luha sa mata at hirap na huminga. "Tinitignan ko si M-Miran sa isip ko, ah kasama ko siya. Ang saya ko kasi napapanood ko siyang lumaki, nag-aaral, pero ang masakit y-yung tinatawag niya akong mare. N-Not knowing na umaasa ako na sana ang itawag niya sa akin—" "P-Pasensya ka na hija, k-kasalanan ko." Pinilit ni mama na hawakan si Janella ngunit umiwas si Janella. "N-Nagahasa ako, k-kailangan ko ng nanay no'n. Pero bagkus na nanay ang nandoon mga nurse, yaya ko at doctor!" Sigaw niya, "Yung nanay ko? A-Ano kayang ginagawa niya?" Kwestyon ni Janella. "Ano kayang ginagawa ni Janine Romero?" Nang sabihin 'yon ni Janella ay natuod ako sa kinatatayuan ko, n
Read more