Hakuna Miran's Point of View. Ilang linggo na ang nakalipas ay mas nalungkot ako dahil nag-iisa ako sa condo parati, pakiramdam ko ay sobrang lungkot kahit anong gawin ko. Wala ring paramdam si Laze mula ng huling pag-uusap namin, si Janella ay bibihira ko lang makaharap. Nakagat ko ang ibabang labi ng hindi ko matapos tapos ang kahuli huli na kailangan ipasa na plates, "Mare." Nalingon ko si Crizel. "Eye bags mo maga ah, ilang araw ka bang hindi natulog?" Kwestyon ni Crizel at naupo sa harapan ko, nagkibit balikat ako. "Kumusta si Janella?" Kwestyon ko. "Wala akong idea kung kumusta ba kayong dalawa kahit nakakausap ko kayo," mahinang sabi ni Crizel. "Malapit na birthday mo ah," paalala niya kaya ngumiwi ako. "Walang bago," bulong ko. "Gaga meron, pwede ka na makulong, ikasal, at mag-jowa?" Napangiti ako sa sinabi niya at umirap na lang. "Tuloy party natin sa sunday," nagtaka ako sa winika niya. "Party?" Tanong ko. "Oo, yung masquerade. Actually party gathering yung title
Read more