Hakuna Miran’s Point of View. Dahil nasa kisame na 'yon, makikita mo kung nasaan naka-pwesto ang kwarto niyo at mabibilang mo rin kung ilang bahay ang nakatayo na buong kwarto lang walang kusina, walang sala, kwarto at banyo lang. Matapos mag-ayos ng mga gamit namin ay sandali pa kaming nagpahinga dahil binigyan naman kami ng isang oras upang magpahinga bago simulan ang unang activity. "Picture taking ang unang activity 'di ba? Kailangan nating kuhanan ang structures ng bawat lugar hanggang batong bahay sa pinakamalaki sa gitna?" Kwestyon ko. "Hmm." Tugon ni Laze at napansin ko na inaayos niya ang hawak na camera, hindi ko alam na may dala pala siyang professional camera. Nalingon ko rin si Crizel na hawak ang maliit niyang camera, "Pwede naman cellphone ang pangkuha 'di ba?" Tanong ko, nahihiya. "Pwedeng pwede mare, teka lang ha maki-chismis lang ako sa kaibigan ko sa section two." Paalam ni Crizel dala ang camera niya kaya tumango ako. "Give me your phone," mahinang sabi ni La
Read more