"Napano?" Kwestyon ko. "Napainom ng marami," bulong ni Janella kaya natawa ako. "Sana all 18 na," singhal ko. "18 ka naman na few more months." Sagot ni Janella kaya natawa ako at tumango, maya maya ay napagdesisyonan na naming umuwi. Pinahawak ni Janella ang cellphone niya sa akin kaya naman inilagay ko muna 'yon sa bag ko at inalalayan niya si Crizel. "Yamato, uwi ka na rin mamaya ha. Alas dose mahigit na," paalala ko pero ngumiti siya. "Ate sabi ni Kuya Laze dito na raw po ako matulog, ipinaalam niya po ako kay mama." Tumango ako bilang sagot. "Ingat ka ha, huwag kang iinom." Paalala ko. "Yes naman ate," sagot niya. "Ingat po kayo," paalala niya rin kaya tumango ako at sumunod na kay Janella. Nang nandiyan na ang sasakyan ay nagmamaktol si Crizel kaya nahirapan si Janella na patigilin siya. Ako ang nauna nilang hinatid. "Ingat ka mare!" Paalam ko. "Ikaw rin!" Sagot niya kaya pumasok na ako sa condo building. Dumeretso ako sa condo ko at nang makapasok ay tamad na tamad a
Read more