Hakuna Miran's Point of View. Mabilis na lumipas ang linggo at ngayon ay abala na naman kami sa paghabol sa deadlines, lalo na ako dahil may na-miss ako dahil na-excuse ako kasi sa nangyari sa akin. Ngayon ay magkakasama kaming kumakain nila Janella at Crizel. "Sabihin mo ten times yung word na father," utos ni Crizel kaya naman napaisip ako at sinunod namin siya ni Janella. "Father, father, father, father, father, father, father, father, father, father.." Sabay naming sabi. "Anong english ng pari?" Napalunok ako at nag-isip. "Father." Sagot naman ni Janella, nag-aalangan. "Father." Sagot ko rin. "Mali." "Tanga, father 'yon. Kaya nga pag magsisimba tatawagin natin silang father." Explain pa ni Janella kaya mas napaisip ako, father naman talaga 'di ba? "Mga gaga, anong father. Priest ang english ng pari," bigla ay na-realize namin kaya natawa na lang kami. "Nan-tanga pa 'to," hinampas ni Crizel si Janella kaya matapos kumain ay naghiwalay na kami. Pumasok na ako sa klase ka
Baca selengkapnya