Pagkatapos ng hapunan ay natanaw ni Raine si Crassus na tumatambay sa veranda. Tahimik itong pinipapak ang sigarilyo habang nakaupo sa lounge chair. Huminto siya. Gusto niya sana na lapitan ito pero natatakot siya. Nakakabingi kasi ang pagiging matahimikin nito. Parang ayaw nito na magpaistorbo. Nauna na nga ito sa umalis sa hapagkainan kanina. Kaya iniisip niya na baka gusto nito na mapag - isa.Pagkatapos ng argumento nila kanina ay ito na ang unang umiwas. Pumanhik kaagad ito sa kwarto pagkatapos nito magbitiw ng salita. Akala niya ay nandoon lang ito. Iyon pala ay nagkulong na ito sa office room.Hindi niya ito ginagambala. Baka pumutok na naman ito at mag - aaway pa sila. Kaya hinayaan niya ito. Tinitigan niya ito habang naninigarilyo. Nakadekwatro ito sa pag - upo. Ang kamay nito ay nakadantay sa arm chair ng lounger chair. May kakaiba imahe na naglalaro utak niya. Parang ito isang hari na nakatanaw sa lugar na sinasakupan nito.Nangati ang paa ni Raine kaya hindi na niya pin
Kinabukasan, kakabukas pa lang ni Raine sa kompyuter ay nakatanggap siya ng isang mensahe. Kakaupo niya pa lang sa kanyang bagong opisina. Hindi katulad ng dati, wala ng asungot na nakamanman sa trabaho niya dahil may sarili na siyang kwarto.Kumunot ang noo nang mabasa na si Professor Xhun iyon.....[Did you receive the clothes? ]Kumunot ang noo ni Raine. Naglapat ng mariin ang labi niya habang nagtitipa ng reply. ...[Wrong send ka po, Sir]Nilapag ni Raine ang kanyang selpon sa mesa. Magsisimula na sana siya pag - asikaso sa account nang wala pang isang minuto ay may natanggap na naman siya na text. ...[No, I was pertaining to the clothes that I bought for you yesterday. Have you received it?"]Saka ito nagpadala ng samu't - saring larawan. Nang maanalisa ni Raine kung ano iyon ay natigilan siya. Dahan - dahan niyang inalis ang kanyang paningin sa hawak na selpon. Tulalang inilapag niya ito sa mesa. Mabagal siyang napasandal sa upuan.Nang makabawi na siya mula sa pagkagulat a
Sabi po kasi ng asawa mo, Ma'am. Ibabalik po namin sa'yo ang mga inorder mo na damit. Dinagdagan niya na rin po bilang regalo po sa' inyo. Bayad na po ang lahat ng ito."Nang marinig ni Crassus ang sinabi ng Head Clerk ay parang may bomba na sumabog sa kanyang utak. Takang tinitigan niya ang mga paperbags na nakalapag sa sahig. Nang makita niya kung gaano ito karami ay naglapat ng mariin ang kanyang labi.Paano'ng nangyaring nadawit ang pangalan niya? Wala naman siya inorder na damit. Ni hindi nga niya inutusan si Tamayuto kanina. May meeting siya kanina at pagkatapos niyon ay bumalik kaagad siya sa opisina. Gustuhin man niya na i-keep ni Raine ang mga binili na gamit, wala naman siyang magagawa dahil ito mismo ang gustong magsauli. Tapos ngayon ay malalaman niyang binili niya ulit ang mga damit? And what? The clerk said that he buy a few more clothes just for her wife.Hindi naman sana iyon problema kay Crassus. He would love to shower her with gifts. Kahit sabihin pa ni Raine na gus
Nakita ni Athelios na tinanggap ni Raine ang binigay na pera ng cashier. Doon pa lang nag-sink in sa utak niya kung ano ang nangyayari. Napangisi siya. Isang ideya ang pumasok sa kanyang isipan."Bakit kaya isinauli niya? Bagay pa naman sa kanya iyong mga damit," komento ni Athelios habang nanonood sa ginagawa ng Ate Raine niya.Kumunot ang noo ni Marie. Sinundan niya kung saan ito nakatingin, at nang makita niya kung ano iyon ay mas lalo siyang nag-aalburuto sa galit."Ano'ng ginagawa ng kapatid mo rito?" Bulalas pa ni Marie nang hindi na mapinta ang mukha."Huwag ka ngang maingay," asik ni Athelios. Hinila niya si Marie sa gilid para magtago. "Huwag kang magpakita.""Bakit na naman?" tanong pa ni Raine."Tsk. Sundin mo na lang ang utos ko," saad pa ni Athelios. Saka niya tinitigan si Raine.Nang makita ni Athelios na papalabas na sina Raine at Diana ay hinarangan niya ang mga ito. Pumagitna siya sa daan at nakapamulsang tinitigan si Raine."Sana hindi mo na lang sinauli ang mga dam
Kinabukasan, bumalik si Raine sa nakasanayan niya na suot. Isang fitted jeans na pinaresan ng itim na v-neck shirt ang isinisuot niya.Pinili na niya kagabi ang mga damit. Nagtira siya ng mga damit na sa tingin niya ay magagamit kapag may okasyon. Dalawang pares lang din iyon. Iyong mga naisuot na niya na damit ay hindi na rin niya isasauli. Kaya marami pa rin ang items na kailangan niyang isauli.Kaya nang makita ni Crassus ang mga paperbags na dala ni Raine ay kumunot ang kanyang noo. Takang pinagmasdan niya ito na abalang pinag-aayos ang mga paperbags sa likod at sa trunk ng kotse niya."Why are you carrying those clothes?" Crassus glanced at the eight or nine shopping bags in their back."Isasauli ko. Ayaw ko ng gamitin," matipid na sagot ni Raine. Blangko ang awra ng mukha nito habang nagsusuot ng seatbelt. "If you don't like them, why did you buy it?" Crassus asked while his eyebrow furrowed.Napabuntonghininga si Raine. "Binili ko lang din naman ang mga 'yan dahil sa galit ko
Parehong tahimik ang mag - asawa sa loob na mamahalin na kotse. Habang nagmamaneho si Crassus ay napatingin naman sa labas ng bintana si Raine."Kalimutan mo na ang sinabi ni Lolo. Binibiro ka lang no'n," untag ni Crassus para basagin ang katahimikan."Hmmm. Alam ko naman na," ani ni Raine. Lumingon siya kay Crassus."Pero kung gusto mo talaga –––""Alam ko naman na ayaw mo, Crassus. Tanda ko pa ang sinabi mo noon kaya huwag kang mag - alala. Hindi ako naghahangad ng anak kung ayaw mo.""Paano kung gusto ko?"Natigilan si Raine. Takang tinitigan niya si Crassus. "A-ano kamo?""Paano kung gusto ko?"Hindi kaagad nakahuma si Raine. Iniwas niya ang kanyang paningin. "Hindi naman mangyayari 'yon."Hindi na nakakibo si Crassus pero latag na sa mukha niya ang pagkainis. Mariin niyang hinawakan ang manubela. Lukot na rin ang kanyang kilay habang nakatitig sa daan.Dumaan ang ilang minuto ay narating nila ang bukana ng Forgatto Celestina. Dadamputin na sana ni Raine ang kanyang bag nang matig