"Nak.." Napalingon si Raine sa kanyang mama. Tinitigan niya ito. Kakababa pa lang niya galing sa kwarto nila ni Crassus. Naligo siya at nagpalit ng polka-dot dress. Iyon ang kinuha nila kahapon kasabay ang kanyang mama. Oo, kinuha at hindi binili— dahil sa mall pa rin sila ni Crassus naghuhunting ng damit. Kasama rin nila si Athelios at Manang Lena. Pati si Lolo Faustino. "Ma..." usal ni Raine. Pinagmasdan niya ang suot nito. Saka lang niya napansin na naka-pulang dress din ito. Ito iyong kinuha nila kahapon sa mall ni Crassus. "Ganda ng suot mo, Ma," puna ni Raine. "Tagal na nang huli kong kita na nagsuot ka ng ganyan." Malungkot na ngumiti si Roberta. "Oo nga eh. Puro kasi hospital gown ang suot ko. Tagal ko rin kasing natulog," pabirong wika niya. Sumama ang mukha ni Raine. "Tsk! mama!" Tumawa ng mahina si Roberta. Niyakap niya si Raine at h******n ang ulo nito. "Happy New Year, nak," bati niya na maluha-luha. Humiwalay ng yakap si Raine. Ngumiti siya at tinitigan sa
Read more