Share

Chapter 452

Author: Aceisargus
last update publish date: 2026-03-19 23:15:03

December 31, @10 o' clock in the evening.

Kanina pa paroon parito si Raine sa kusina at sa dining area. Kasama si Manang Lena, at ang kanyang mama—sama-sama silang nagluluto para sa magiging media de noche nila mamayang alas dose.

Nasa labas sina Crassus, Athelios at Mang Timo. Sabay nilang inaasikaso ang mga paputok at mga inumin para mamayang hatinggabi. Si Lolo Faustino ay pinagkasya ang sarili mula sa pagtingin-tingin sa ginagawa nila Crassus.

Sa veranda nila ilalatag ang mga pagkain. Nila
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 457-Love and longing

    "Ma..."usal ni Raine. Lumunok siya habang nakatitig sa hawak na manipis na damit. "A-anong...""Hindi ka na bata, Tina. Alam mo na kung para saan yan," prangkang saad ni Roberta. "Ilang buwan na kayo hindi nag-sex ng asawa mo?"Natahimik si Raine. Kinagat niya ang kanyang labi.Bumuntonghininga si Roberta. "Huwag kang mahiya sa akin. Ako ang mama mo," may pangangaral na sabi niya. "Ilang buwan, Tina?"Lumunok si Raine. Napatitig siya sa hawak na lingerie. Binaba niya iyon at nilapag sa kama."Mag-fofour months n-na po, m-ma," sagot ni Raine na nahihiya pa.Napapikit si Roberta. Nakamot niya ang kanyang noo habang umiiling.Napabusangot si Raine. "H-hindi ko naman po...""Ano?" pangunguna ni Roberta sa kanyang anak. Bumagsak ang balikat ni Raine. "B-busy po kasi kami p-pareho. T-tapos... Pag may mangyayari n-naman po samin— hanggang ano lang..." Napayuko siya. Hindi na siya makatingin sa kanyang mama ng hiya. "T-tapos..""Tama na." Nahilot ni Roberta ang kanyang sentido. "Kaya pala an

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 456- Sexy gift

    Natuliro si Raine habang abala pa rin si Crassus sa pagdila sa icing sa gilid ng kanyang labi. Hindi pa ito nakuntento, bahagya pa nitong kinagat ang labi niya at pagkatapos ay hinalîkan.Parang lumubo ang utak ni Raine dahil sa ginawa ni Crassus. Napaaamang siya. Hindi siya makagalaw dahil sa gulat at hiya.Pagkatapos niyon ay kalmadong tinigil ni Crassus ang paglalaro nito sa labi niya. Maang na napatitig si Raine. Subalit namulsa lang ito sa harap niya. Na para bang proud na proud pa ito.Lumunok si Raine bago magsalita. "Bakit mo ginawa 'yon?""What?" Crassus asked. "I just wiped the icing off your lips."Bahagyang umawang ang labi ni Raine. Ang baliw niyang puso ay hindi magkandamayaw sa pagtibok. Na para bang nag-histerya ito dahil sa narinig niyang sagot ni Crassus. Bumuntonghininga siya. Iniwas niya ang kanyang paningin. Ramdam ni Raine ang pang-iinit at pamumula ng labi niya."How about you feed me."Mabilis na napalingon si Raine kay Crassus. "Huh?"Ininguso ni Crassus ang

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 455

    Pagkatapos manood ng fireworks display ay dumulog na sina Raine sa hapagkainan. Sabay-sabay silang lahat kumain. Pati si Mang Timo ay kasabay nila. Katabi nito si Manang Lena at Julie.Panay ang tawanan ng mga matatanda dahil sa kwento ni Don Faustino. Kahit si Crassus ay panay na rin ang ngiti habang nakikinig. Subalit si Raine ay hindi niya magawang makisabay. Kung minsan nga ay tipid na ngiti at tango lang ang kanyang isinusukli.Simula kasi noong magbitaw ng ganoong salita si Crassus. Naging lutang na si Raine, at dahil parati niyang naiisip ang banat nito— halos hindi na siya makapag-focus. Sa ganoong salita lang ay kaya nito gawing okupado ang isip niya.Napansin ni Crassus ang pananahimik ni Raine. Hindi siya nakatiis. Hinila niya ang upuan nito. Napatingin sa kanila ang mga matatanda subalit saglit lang iyon. Pagkatapos ay bumalik ulit ang mga ito sa pag-uusap na para bang wala silang nakita na ginawa ni Crassus."Are you alright?" Crassus asked.Mabilis na tumango si Raine n

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 454- I miss the feeling

    "3...2...1! Happy New Year!" Sabay na sigaw nila Raine habang nag-cocountdown para salubungin ang alas dose ng hatinggabi.Nasa veranda sila ng mansion. Nakatayo sa harap ng mesa sina Raine habang si Lolo Faustino ay nakaupo sa couch. Katulad ng dati, inilabas ulit nila ang isang set ng couch para may mauupuan. Dagdag display na rin sa likod ng mansion. Mas lalo kasing Instagramable tignan kung may nakalatag na puting couch sa veranda ng mansion."Happy New Year!" muling sigaw ni Raine nang naka-ngiti. Nilapitan niya ang kanyang mama at si Manang Lena."Mama, manang! Talon po! Talon!" Bulalas ni Raine nang hindi magkandanmayaw sa kakatawa habang nakahawak kina Roberta.Pahapyaw na tumawa si Manang Lena. Nadala siya sa tawa ni Raine kaya pati siya ay napatalon. Kahit ang anak niyang si Julie ay gumaya rin kay Raine."Raine, ang ulo mo," paalala ni Roberta sa kanyang anak na may bahid ng ngitin sa labi. "Ate! Huwag ka ng tumalon! Wala ka ng chance na tumangkad pa. Tanggapin mo na lang

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 453- Treat her Right

    "Nak.."Napalingon si Raine sa kanyang mama. Tinitigan niya ito. Kakababa pa lang niya galing sa kwarto nila ni Crassus. Naligo siya at nagpalit ng polka-dot dress. Iyon ang kinuha nila kahapon kasabay ang kanyang mama. Oo, kinuha at hindi binili— dahil sa mall pa rin sila ni Crassus naghuhunting ng damit. Kasama rin nila si Athelios at Manang Lena. Pati si Lolo Faustino. "Ma..." usal ni Raine. Pinagmasdan niya ang suot nito. Saka lang niya napansin na naka-pulang dress din ito. Ito iyong kinuha nila kahapon sa mall ni Crassus."Ganda ng suot mo, Ma," puna ni Raine. "Tagal na nang huli kong kita na nagsuot ka ng ganyan."Malungkot na ngumiti si Roberta. "Oo nga eh. Puro kasi hospital gown ang suot ko. Tagal ko rin kasing natulog," pabirong wika niya.Sumama ang mukha ni Raine. "Tsk! mama!"Tumawa ng mahina si Roberta. Niyakap niya si Raine at hinagkan ang ulo nito. "Happy New Year, nak," bati niya na maluha-luha.Humiwalay ng yakap si Raine. Ngumiti siya at tinitigan sa mata ang

  • Wild Plan: CEO's Desire   Chapter 452

    December 31, @10 o' clock in the evening.Kanina pa paroon parito si Raine sa kusina at sa dining area. Kasama si Manang Lena, at ang kanyang mama—sama-sama silang nagluluto para sa magiging media de noche nila mamayang alas dose. Nasa labas sina Crassus, Athelios at Mang Timo. Sabay nilang inaasikaso ang mga paputok at mga inumin para mamayang hatinggabi. Si Lolo Faustino ay pinagkasya ang sarili mula sa pagtingin-tingin sa ginagawa nila Crassus.Sa veranda nila ilalatag ang mga pagkain. Nilabas na kanina nila Crassus ang malaking la mesa. Doon sila sama-samang kakain mamaya. Habang tinitikman ni Raine ang niluto niyang paella ay pinatikim niya rin ito kay Manang Lena. "Dagdagan mo ng saffron, Señora. Medyo matabang," payo ni Manang Lena."Ganoon ba?" tanong ni Raine. Dinampot niya ang saffron.Takang tinitigan ni Roberta ang ginagawa ng anak. Lumapit siya at sinilip kung ano ang niluluto nito."Para kanino 'yan?" tanong ni Roberta habang nakatingin sa niluluto ni Raine. "Mukhang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status