ANMELDENSino'ng hindi ma-koknock-out sa pinaggagawa mo Crassus. Proud na proud pa ang loko! 🫣🫣🫣
Kinabukasan, maagang nagising si Crassus para pumasok sa trabaho. Nang sinipat niya ang orasan ay pasado alas singko pa lang ng madaling araw.Babangon na sana siya nang maramdaman niyang parang may mabigat na bagay na nakadagan sa kanyang dibdib. Napahinto siya. Kaagad napangiti si Crassus. Kitang-kita niya ang bahagyang pag-awang ng labi ni Raine habang nakaunan sa kanyang dibdib. Himbing na himbing ito sa pagtulog at nakayakap pa sa kanya.Hinanap niya kung nasaan ang malaking teddy bear nito. Kumunot ang kanyang noo nang mapansin na wala ito sa kama nila. Natatandaan niyang inunan ito ni Raine kagabi. She cuddled it like it was her only pillow. Gayong marami naman malalaking unan na nasa sa ulohan nila.Crassus let out a big sigh. His eye fixed on the innocent teddy bear lying helplessly on the cold floor. Siguro ay sinipa ito ni Raine kagabi o binalibag kaya nahulog ito sa sahig.Napailing si Crassus. Binalingan niya si Raine. Tulog na tulog pa rin ito.Mabagal
Nagkatitigan sina Raine at Crassus. Pareho silang tahimik subalit ang kanilang mga mata ay parehong nagpapalitan ng salita. Parang pinupomyang ang puso ni Raine. Hindi iyon magkandamayaw sa pagtibok. Bumibilis iyon at dinig na dinig niya ang bawat pintig nito. Hindi niya inaasahan na aabot sila ni Crassus sa punto'ng iyon. Akala niya ay iba ang magiging takbo ng usapan nila."Raine..."Napalingon si Raine kay Crassus. Nagtatanong ang kanyang mata habang nakatitig."Will you.." he said, hesitated. "Will you feel the same?"Napalunok si Raine. Mas lalong bumibilis sa pag tibok ang kanyang puso."Depende—" Iniwas niya ang kanyang paningin. "Kung sincere ka.""You're not gonna run, right?" Crassus asked. Muling hinarap ni Raine ang nagtatanong na tingin ni Crassus. "Hindi," tipid niyang wika.Natahimik si Crassus. Mayamaya pa ay dahan-dahan siyang tumango. "And what will you do?" he asked. "Kung darating man ang oras na iyon, hayaan na lang natin kung ano ang magiging daloy. Mahirap
Pagsapit ng alas singko ng hapon, nagpasya si Crassus na samahan si Raine sa clinic ni Alex. Bagaman New Year, hindi nito pinalagpas ang iniindang sakit ni Raine. Ipinapayo pa rin nito na pumunta sa clinic para masuri ng maayos si Raine.Naunang magpaalam si Alex. May emergency raw kaya kailangan na nitong umalis. Pagkatapos niyon ay sumunod si Diana. Parang buntot na sumunod naman si Scott. Hindi rin nagtagal ay nagpaalam na rin sina Zach at ang asawa nito. Kasunod niyon ay si Alessandro, Rothan at Kien.Kakaalis lang din ni Saturn. Nahuli ito dahil kinausap ito ni Lolo Faustino.Nasa kwarto na sila. Nakapagbihis na si Crassus. Isang simpleng black shirt at maong na pantalon lang ang suot niya. Samantalang si Raine ay isang green na flowy dress ang kanyang suot.Habang nasa kama si Raine. Lumapit si Crassus at tumabi. Kinausap niya ito."How are you feeling?" he asked.Ngumiwi si Raine. Iniwas niya ang kanyang paningin. "H-huwag ka ng magtanong. Nakakahiya, pabalik-balik ka na lang.
Napaawang ang labi ni Raine. Tumambad sa kanya ang isang hayop na matagal na niyang gusto alagaan. Isa iyon sa mga wishlist niya. Ang makabili o makapag-alaga ng Maine Coon. Isang sikat na cat breed dahil sa kakaiba nitong angkin tangkad at laki. Matagal na niya gusto mag-alaga nito. Kaya lang ay naalangan siya. Bukod kasi sa may kamahalan, lumalaki rin ang pusa na ito. Kaya nitong lumaki na kasing laki at tangkad ng isang aspin. Iyon pa lang ay umaatras na siya. Alam niya kasing mabubutas ang kanyang bulsa niya kapag mag-alalaga siya ng ganitong kalaking pusa. Sa vitamins at pagkain pa lang ay tiyak na maghihingalo na ang pitaka niya. Hindi pa kasali roon ang expenses dahil sa air con. Kailangan nito ng air con dahil sa makapal at mataas nito na balahibo.Dinig niya ay kailangan din nito ng proper grooming at magandang kalidad na shampoo para sa balahibo. Kahit na sabihin pa niya na makakakita siya ng maayos na trabaho, talagang kukulangin ang kanyang pera dahil sa iba pa niyang ga
Naiwan si Diana kasama ang mga kaibigan ni Crassus. Lahat sila ay tahimik. Sabay-sabay nilang tinitigan ang mag-asawa na pumasok sa isang kwarto.Mayamaya pa ay pumasok si Mama Roberta. Kasama nito si Lolo Faustino at ang asawa ni Zach na si Elitheia. Karga nito si Zanaia Khallel."Nasaan si Raine?" takang tanong ni Roberta."Ah.." Sumulyap si Diana sa kwarto na pinasukan nila Raine. Tumayo siya. Saka niya binalingan is Tita Robert."Nasa kwarto po, Tita. Kasama niya si Crassus. Kakausapin lang nila si Alex."Kumunot ang noo ni Roberta. "Bakit siya binuhat?"Ngumiwi si Diana. "Masakit daw po ang paa niya.""Huh?" nag-alalang wika ni Roberta. "Saang kwarto sila? Pupuntahan ko.""Maybe we should wait, Roberta. After all, Crassus is with her," Don Faustino said calmly. "Everyone, let's eat. Nagpahanda ako ng makakain sa dining room.""Gracias, Don Faustino," Rothan formally replied."De nada (you're welcome)." Grandpa Faustino smiled. "Come! Join us!""Sige po, Lolo. Susunod po kami," m
"Look at that, Crassus is throwing the trash." Rothan grinned.Napatigil sa paglalakad si Raine. Mabilis siyang napalingon kay Crassus. Tinapunan niya ito ng makahulugan tingin pero kalmado lang ito nakatitig sa kanya."A-ah..." Ngumiti ng peke si Raine.Tinalikuran niya sila Kien. Pinandilatan niya ng mata si Crassus. Nilagpasan siya nito. Parang wala ito narinig. Kalmado itong lumabas ng mansion. Bitbit ang hawak na trash bag.Lumunok si Raine. Umakto siya na parang walang nangyari. Lumapit siya sa mga kaibigan ni Crassus. Saka siya ngumiti."Happy New Year," bati niya."Happy New Year," sabay-sabay na bati ng mga ito. "Nandito pala kayo," ani ni Raine. "Hindi nagsabi si Crassus na pupunta kayo. Nakapaghanda sana kami.""It's alright," Saturn said. "Biglaan talaga ang pagdating namin dito.""Gusto namin sana ay surprisahin kayo ni Crassus," saad ni Kien. "Kaso, kami pa yata ang nasurprisa."Zach grinned. "Looks like you both woke up late.""Sorry," paghingi ng paumanhin ni Raine.







