Pagkatapos sabihin ni Crassus ang lahat ng iyon ay hindi nakapagsalita si Raine. Napatitig lang siya sa kisame, pero ang kanyang puso ay parang kampana na nag-iingay. Sa lakas ng pagtibok niyon ay dinig na dinig na niya ang pagpintig niyon.Lumamlam ang mata ni Raine, hanggang sa napalitan iyon ng lumungkot. Lumaykay ang balikat niya nang bigla siya'ng may maalala.Dahan-dahan niya'ng tinulak si Crassus. Litong napatitig ito sa kanya.“Kaya ko naman ang sarili ko, Crassus,” malamig na wika ni Raine. “Sanay na ako sa gulo.”Natigilan si Crassus sa narinig. “Noong wala ka, masyado ng magulo ang buhay ko,” paglintanya ni Raine. Walang buhay ang kanyang mata habang nakatitig kay Crassus. “Lahat ng nasa paligid ko, puro problema. Nakaya ko'ng tiisin ang lahat ng iyon nang wala ka. Buhay pa naman ako, pero ibig sabihin niyon ay wala na ako'ng karapatan pa na lumaban. Hindi ko kailangan ang awa mo, Crassus. Maraming maraming salamat dahil iniligtas mo ako pero kaya ko pa ang sarili ko.”Nag
Read more