"Sorry po, Señor pero parents mo po iyong bagong dating na bisita." Parang binuhusan ng malamig na tubig si Crassus. Tuluyan nawala ang kanyang antok. Kahit si Raine ay napabangon sa higaan nang marinig ang sinabi ni Manang Linda. Naglapat ng mariin ang labi ni Crassus. "Pakisabi, hintayin nila ako na bumaba. Magbibihis lang ako," malamig na wika niya. Tumango si Manang Linda. "Sige po," magalang na sagot nito. "Does grandfather know about this?" Crassus asked. Umiling si Manang Linda. "Hindi po, Señor," sagot niya. "Good." Crassus sighed in relief. Iminuwestra niya ang kanyang baba. "Paki-asikaso po muna sila, Manang. Thank you." Bahagyang yumuko si Manang Linda. "Walang anuman po, Señor," magalang na sagot niya sabay alis sa harap ni Crassus. Napatiimbagang si Crassus. Napahawak siya ng mariin sa hamba ng pinto. Napansin iyon ni Raine kaya bigla siyang nag-alala. "Samahan na kita," presinta ni Raine. Umalis siya sa kama at tumayo. **
Mehr lesen