“Ate.” Napalingon sina Raine at Diana kay Athelios. Lumapit ito sa kanila.. “Nasa labas iyong asawa mo,” imporma ni Athelios. “Nasa gate. Ano'ng gagawin natin?” “Tch! Umismid si Diana nang marinig ang sinabi ni Athelios. Tumingin siya sa pinto. “Ang kapal ng mukha ah?” komento niya. “Pagkatapos ng ginawa ng Daddy niya?” Naglapat ng mariin ang labi ni Raine. Blangkong tinitigan niya ang kabaong na nasa harap nila. “Kung ayaw mo siya makausap, papaalisin ko na lang siya,” sabi ni Athelios. “Hindi,” malamig na wika ni Raine. Tumayo siya. “Dito ka na muna, Athelios. Asikasuhin mo ang mga bisita. Kakausapin ko lang siya.” “Pero…” protesta ni Diana. “Hindi si Crassus ang nagtulak kay Mama,” malamig na sabi ni Raine. “Pero hindi ibig sabihin niyon ay abswelto na siya.” Binalingan niya si Athelios at tinapik ang balikat nito. “Huwag kang mag-alala, hinding-hindi ako titigil hangga't hindi mananagot ang may sala.” “Salamat, Raine.” Ikinuyom ni Athelios ang kanyang kamay. “Itanong mo sa
Read more