ThresholdSa dulo ng bawat sakit, may hangganan at sa hangganang iyon, nagsisimula ang paghilom👨‍⚕️HIDEO ADONIS Sunod-sunod ang mga pangyayari ngayong araw at ang pinakahuli, isang insidenteng hindi ko inaasahan, ay naganap sa Annex Building. Mabilis kong nalaman ang kaguluhang nangyari roon, at ang masaklap, iyon ang naging sanhi ng maagang panganganak ni Head Nurse Cat. Dahil wala pa sa tamang gestational weeks ang mga sanggol, kailangang ilagay sila sa ilalim ng mahigpit na obserbasyon sa NICU.Hindi ako nag-aksaya ng oras. Agad akong nagtungo sa Annex upang personal na kamustahin ang mga empleyado, at upang alamin ang totoong takbo ng sitwasyon. Kinausap ko rin si Dok Mouse at ramdam ko ang bigat ng kanyang nararamdaman, lalo’t ito ang kanyang unang mga apo. Humingi ako ng paumanhin, alam kong wala man akong direktang kinalaman, responsibilidad ko pa rin ang kapakanan ng lahat sa ospital. Mabuti na lang din at tapos na mag entrace exam si Dok Rat bago ito mabalitaan kaya naman
LifeNoong bata ako, lagi kong tinatanong sa sarili ko kung bakit may mga taong kailangang lisanin ang mundong ito. Bakit sobrang ikli lang ng buhay at sa isang iglap lang ay maaari ka ng maglaho sa mundong ito...👨‍⚕️ DR. HIDEO ADONIS CANLIAGN8 years ago...Intership ko ngayon dito sa sarili naming Hospital. Ang HC Medical City. Ang HC ay base sa pangalan ng Ama kong si 'Henry Canliagn'. Nasa tatlong taon na itong Hospital namin pero isa na ito sa the best Hospital dito sa bansa.Actually, two days ago nang umuwi ako rito sa bansa. Galing akong London dahil doon ako gum-raduate ng Medical School.Kinuha ko sa loob ng white coat ko ang cellphone ko. Pagkabukas ko ay bumungad sa akin ang picture namin together ng fiancè ko.Kinausap ko ang litrato namin, "Hi! Mahal, promise bukas I will surprise you okay?"Hindi ko pa kasi sinasabi sa kanya na nakauwi na ako ng Pilipinas. Gusto kong sorpresahin siya. Few months from now ay magpapakasal na kami. I will marry Sychelle Dayle Fernandez.
HopeAng pagtatapos ng isang araw ay kaakibat ng bagong kinabukasan. Alam kong darating ang panahon na tuluyang maghihilom ang masasakit na ala-ala. Lalo na ang pagkawala na siyang nagsisilbing buhay mo.👨‍⚕️HIDEO ADONIS CANLIAGNNapatingin ako sa altar at nag sign of the cross. Napatayo ako mula sa pagkakaluhod. Huminga ako ng malalim. After a month ay muli ko siyang dadalawin sa kanyang puntod. Napatingin ako sa gawing kanang and I saw a woman. Nakabelo siya at taimtim na nagdarasal, inalis ko ang pagkakatingin sa kanya saka tumalikod at naglakad palabas ng Cathedral.Napahinto ako nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Hindi ko ito inasahan sapagkat wala naman sinabi sa news na bubuhos ang ulan ngayong araw.Kailangan ko mabalik ng HC after kong dalawin saglit si Sychelle.Tumingin akong sa wrist watch ko. Mayroon nalang akong two hours upang makabalik. Grabe pa naman traffic sa Manila. Hahakbang na sana ako ngunit biglang humihip ang hangin."Oh my..."Nadaplisan ng basa ng ul
FaithHangga't naniniwala ka. Malalagpasan mo ang lahat ng mga dagok na siyang darating sa buhay mo. May dahilan ang lahat ng nangyayari sa mundong it. Nakadepende sa'yo o sa tatahakin mong daan.👨‍⚕️HIDEO ADONISIsa na yata ito sa pinakamasayang pasko ng buhay ko habang ako'y nandito sa Barcelona. Hindi ko inaasahan na darating ang aking pinakamamahal na si Sychelle. Nakangiti ako habang hawak niya ang kamay ko. Nilingon niya ako habang tumatakbo siya at hila-hila ako."Mahaaaal! Dali! Baka mahuli tayo sa fountain show!" hiyaw niya habang patuloy akong hinihila.Ngumiti ako ng matamis at sinunod ang hiling niya.Natatanaw ko ang napakagandang Sagrada Cathedral na siyang paborito naming spot dito sa Barcelona ni Sychelle. Malapit na kami sa may fountain na sinasabi niya sapagkat malapit lang naman iyon doon.Napakaraming tao dahil Christmas eve. Napakasayang pamasko ito sa akin dahil nakasama ko ang aking pinamamahal.Napahinto kami. Nagtinginan kami at napangiti muli sa isa't-isa.Sa
Patience Napakahalaga na parte ng ating buhay ang pasensya. Para sa kapayapaan ng ating damdamin. Hindi dapat tayo nagmamadali sa mga bagay na gusto nating mangyari. Kumbaga, may nakalaan na para sa'tin kaya dapat ay matiyaga natin itong hintayin na may kalakip na pasensya.👨‍⚕️ HIDEO ADONISKasalukuyan akong nagra-rounds sa pasilyo ng 8th floor. Ito ang ward para ss mgs senior citizens. Ang Hospital namin ay by order ang mga pasyente. Mayroong ward na para lamang sa mga bata, expectant mothers, may malalalang kondisyon sa respiratory system upang maiwasan ang hawaan, ward para mga babies, mga nasa middle ages, teenagers, at ito nang senior citizen ward.Mayroon akong pasyente na siyang dumaan ng surgery sa akin. Nakakatuwa, he's survive that critical surgery na ginawa namin. Abo't-abot ang dasal namin ng team ko na magtagumpay kami.At nagtagumpay nga kami sa operasyon. Nagre-recover na siya ngayon.Pagkatapat ko sa private room kung saan siya naka admit ay kumatok muna ako. May nag
HappinessKailan nga ba tayo huling naging tunay na masaya? Kailan natin nasabi sa ating sarili na masaya pala ang mabuhay? Kailan natin nadama ang maging masaya sa piling ng iba? Kailan ba natin naisip na dapat na tayong maging masaya? Kailan mo pipiliin na tuluyang sumaya?👨‍⚕️ DR. HIDEO ADONIS CANLIAGNKadalasan.Hinihiling ko na sana ay hindi na ako nagigising sa tuwing nakakasama ko siya sa mga panaginip ko. Kasi wala namang ibang ikasasaya ang puso ko kundi ang muli siyang mayakap, mahawakan, at makausap.Dito lagi sa panaginip. Natatanaw ko siya, nalalapitan at kung minsan ay masaya naming binabalikan ang aming mga magagandang ala-ala.Ginawa nga ba ang panaginip para sa mga taong nangangarap o para rin ito sa mga taong nangungulila, kagaya ko?Siya at ako lamang.Siya na kasiyahan ko.Siya na lagi kong hinihiling na muli kong makapiling.Sapagkat sobra ko na siyang sabik na makasama.Napakaraming bagay at pangarap na nais ko pang tuparin na kasama siya.Dito na lang ba sa pan
CourageAng pagbibigay ng tulong ng taos sa puso ay isa sa mga magandang katangian na dapat ipakita habang tayo ay nabubuhay. Ang lahat ng ginagawa ay mayroong balik sa atin, maging ito man ay mabuti o masama.👨‍⚕️DR. HIDEO ADONIS CANLIAGNKatatapos lamang ng duty ko at pauwi na ako habang lulan ng aking sasakyan. Hindi ko maiwasang mapangiti sapagkat successful ang mga naging operation ko kanina. May buhay na naman na muling nadugtungan. Hindi ko na nga mabilang ang mga naoperahan ko pero lahat ng iyon ay naging matagumpay. Pero minsan kung sakali man na mayroong hindi palarin na mailigtas ay kailangan na lamang iyon tanggapin kahit sobrang hirap.Napakahirap mawalan ng mga mahal sa buhay kaya kailangan lagi na patibayin ang loob dahil sa mundong ito ay mayroon talagang dumarating at siyang lilisan rin. Napatingin ako sa panyo na siyang ibinigay sa akin ng isang babae walong taon na ang nakalilipas. Magkaparehas pa sila ng pangalan ni Nurse Marikah. What a coincidence.Sayang lang k
ACCEPTANCELiving a happy life means learning to embrace the circumstances that come your way. Challenges will always be present, but they vary with each situation.👨‍⚕️HIDEO ADONISQuarter to six in the morning ay nagising na ako sa tunog ng alarm clock ko dahil may duty at operation ako ng eight o'clock. Bumangon na ako at dumeretso sa restroom. Natutuwa ako na nitong mga nakaraang buwan at araw ay nagiging maganda na ang tulog ko at sana ay magtuloy-tuloy na. Pagkalabas ko sa restroom, I wear my usual hospital uniform at kumuha ng isang white long coat saka ko kinuha ang square bag ko na regalo sa akin ng hindi ko na maalala kung sino. Makakalimutin din kasi ako. Lumabas na ako ng kwarto ko. Habang naglalakad sa pasilyo ay napahinto at napalingon. Gayon na lamang ang gulat ko nang may makitang babae na nakamahabang puting damit at nakabelo na siyang nakatabon sa buong mukha niya. "Ay Diyos ko po!" Hindi ko naiwasang napasigaw sa gulat at napasandal pa ako sa pader, napahawak
ThresholdSa dulo ng bawat sakit, may hangganan at sa hangganang iyon, nagsisimula ang paghilom👨‍⚕️HIDEO ADONIS Sunod-sunod ang mga pangyayari ngayong araw at ang pinakahuli, isang insidenteng hindi ko inaasahan, ay naganap sa Annex Building. Mabilis kong nalaman ang kaguluhang nangyari roon, at ang masaklap, iyon ang naging sanhi ng maagang panganganak ni Head Nurse Cat. Dahil wala pa sa tamang gestational weeks ang mga sanggol, kailangang ilagay sila sa ilalim ng mahigpit na obserbasyon sa NICU.Hindi ako nag-aksaya ng oras. Agad akong nagtungo sa Annex upang personal na kamustahin ang mga empleyado, at upang alamin ang totoong takbo ng sitwasyon. Kinausap ko rin si Dok Mouse at ramdam ko ang bigat ng kanyang nararamdaman, lalo’t ito ang kanyang unang mga apo. Humingi ako ng paumanhin, alam kong wala man akong direktang kinalaman, responsibilidad ko pa rin ang kapakanan ng lahat sa ospital. Mabuti na lang din at tapos na mag entrace exam si Dok Rat bago ito mabalitaan kaya naman
👨‍⚕️ HIDEO ADONIS At ngayon, kaharap ko na ang taong responsable sa pagkamatay ng mga taong pinakamahalaga sa buhay ko, pati na rin sa pagkawasak ng pamilya ng asawa ko, at sa pagkawala ng ama ni Arkey.Mataman akong nakatingin sa kanya, tuwid at hindi nagpapatinag. Iisang lamesa lamang ang pagitan namin, ngunit tila abot ng tingin ko ang lahat ng kasalanang pilit niyang ikinukubli sa malamig niyang anyo. Sa kanyang likuran, nakapuwesto ang tatlong pulis na nagsisigurong hindi ako gagambalain o mapahamak sa kahit anong posibleng galaw ng hayop na ito.Tahimik ang paligid. Masyadong tahimik, na tila bawat tibok ng puso ko ay umuukit ng galit sa dibdib ko.Ganito pala ang pakiramdam na makaharap ang isang demonyo.Hindi siya sumasalubong sa titig ko, pero ramdam kong alam niyang naroon ako na huling taong dapat niyang balewalain.Hindi ako lalaban ng salita. Hindi ko kailangang sumigaw, sapagkat ang bigat ng katahimikan ko ay higit pa sa anumang panunumbat. At sa pagkakataong ito, ak
Trigger Warning ⚠️This chapter contains sensitive content including:• Physical & emotional abuse• Trauma and mental distress• Violence and murder• Medical and psychological themesPlease proceed with care. If any of these topics are difficult for you, consider skipping this chapter or reading it when you feel emotionally ready. Your well-being comes first.If you're struggling, don't hesitate to seek help from someone you trust or a mental health professional.---WrathAng poot ay lason na iniinom ng puso sa pag-aakalang iba ang mamamatay.👨‍⚕️HIDEO ADONISMatapos kong i-message si Dok Rat sa Messenger ng "good luck" para sa kanyang entrance exam ngayong araw, ibinalik ko ang atensyon ko sa kasalukuyan. Nasa loob ako ng opisina kasama sina Dok Ivo at Dok Maxwell. Tahimik na nagbabasa ng dyaryo si Dok Ivo habang si Dok Maxwell naman ay walang imik na nagsi-scroll sa kanyang hawak na tablet.“Agay... lahat ng articles, puro HC Medical City ang headlines,” biglang reklamo ni Dok
Vengeance Paghihiganti ang tula ng pusong sugatan na isinusulat sa apoy, binibigkas sa dilim. At sa bawat taludtod ng poot, ang kalaban ay unti-unting nilulunod sa sariling kasalanan.👨‍⚕️HIDEO ADONISNaabutan ko pa ring maraming press ang nag-aabang sa labas ng Main Building ng HC Medical City. Mabuti na lang at mabilis rumesponde ang mga security personnel at military na ipinadala sa utos ni Dok Ivo. Hindi biro ang abala kung sakaling makapasok ang media sa loob ng ospital.Pasimpleng lumiko ako patungo sa basement parking na eksklusibo lamang sa mga empleyado ng ospital. Mabuti at may sariling bahagi roon ang mga may HC employee sticker na isang desisyong matagal nang ipinatupad para sa ganitong mga pagkakataon.Paghinto ng sasakyan ko, saktong tumawag si Doktora Les. Kaagad ko itong sinagot.“I was about to go to the Main Building, pero nalaman ko na sa Annex mo ipinadala ang mga gamit ko for my clinic office.”“Yes, Les. Sa Annex ka muna. Magulo pa rito sa Main.”“Labis ang kab
DissonaceParang bagyong tahimik at sa labas, payapa ang langit,pero sa loob, may unos na hindi magkasundo ang puso’t isip.Isang himig na pilit inaawit ng damdamin,ngunit kinokontra ng tunog ng lohika.👨‍⚕️HIDEO ADONISPinagmamasdan ko si Athena habang seryoso niyang pinipino sa food processor ang mga walnuts. Wala siyang imik, nakatuon lang sa gawain na parang isang siyentistang nag-eeksperimento sa gitna ng tahimik na kusina.Nang maging halos pulbura na ang mga ito, napangiti ako nang ibuhos niya ito sa all-purpose flour, haluan ng chocolate chips, at dahan-dahang minasa gamit ang kamay. Makinis ang kilos niya, parang alam na alam ang ginagawa hindi lang basta pagluluto ito, may layunin.Ako ang nag-request. Alam kong mahilig siyang mag-bake, kaya sa kanya ko na lang ipinagawa ang cookies na matagal ko nang gustong matikman. Pero sa totoo lang, higit pa doon ang dahilan.“Tingnan ko lang kung hindi siya matuluyan kapag kinain ito,” mahinang sambit ni Athena, kasunod ang isang m
FearlessSa bawat pagsubok na dumarating, piliin mong tumindig.Ang tapang ay hindi laging sigaw—minsan, ito'y tahimik na pagyakap sa sakit habang patuloy kang lumalaban.👨‍⚕️ HIDEO ADONIS Parang walang nangyari.Ganyan ko mailalarawan ngayon si Niniana na kapatid ni Dok Rat, habang nakahiga sa recovery bed. Kung hindi ko hawak ang clipboard na may records niya, baka nakalimutan ko pa ang pangalan niya.Hindi pa nga lumilipas ang 24 oras mula nang isalba siya sa ICU, pero heto’t alerto na, may kulay na ang pisngi, at tila parang hindi muntik barilin sa loob ng sasakyan.Vehicular accident raw. Sa hindi pa rin klarong dahilan, nadiskaril bigla ang gulong ng sasakyan niya—tapos may lalaking nakamotorsiklo ang lumapit at nagtangkang pagbabarilin siya.“Nunca! Que bom que trouxeste o meu carro, Niniana! A blindagem ali é muito resistente.”(Mabuti na lang at ang sasakyan ko ang dala mo, Niniana! Napakatibay ng bulletproofing niyon.)Napatingin ako kay Dok Rat habang nagsasalita siya. N
UnravelUnti-unti siyang nabubuking, hindi bilang pagkasira, kundi bilang pagbubukas ng lihim na matagal nang itinago ng puso.👨‍⚕️HIDEO ADONISHindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan ang mga litrato namin ng asawa ko sa gallery ng cellphone ko ang mga kuha ni Harmony noong nasa Ugbo kami. Tila ba may sariling liwanag ang ngiti ni Marikah; sino ba naman ang hindi mahahawa sa ganoong kasaya at tapat na ngiti? Natutuwa ako’t tila nahilig na rin siyang magpakuha ng litrato ngayon, malayo sa dating Marikah na halos palaging umiiwas sa camera.Habang tinititigan ko ang mga larawang ito, bumalik sa alaala ko ang mga unang buwan niya sa Surgery Department. Noon, ramdam na ramdam ko ang pagiging mailap niya,hindi sa mga pasyente, kundi sa mga kasamahan naming staff. Tahimik lang siya palagi, mas pinipiling mamalagi sa hospital chapel kaysa sumama sa lounge o makihalubilo sa amin. Para bang may bakod siya noon sa pagitan ng sarili niya at ng mundong ginagalawan namin.Kahit naka-dut
Tenderness Sa katahimikan ng isang haplos, naroroon ang dasal—hindi sa salita, kundi sa pusong marunong magmahal nang walang alinlangan👨‍⚕️ HIDEO ADONISNapahaba at napasarap ang tulog namin ni Marikah. Pagdilat ng mga mata ko, alas singko na ng hapon.Buti na lang talaga at wala akong naka-schedule na surgery ngayon. Halos si Athena na rin ang humahawak ng karamihan sa mga paperwork sa ospital. Unti-unti na rin niyang tinatanggap ang responsibilidad bilang kapalit ko sa Board of Directors ng HC Medical City.Ang totoo niyan, malaking ginhawa sa akin ang lahat ng ito.Matapos kong tuluyang mabayaran ang malaking utang ko sa mga Xi, lalo pang napadali ang merging nang ikasal sina Athena at Dok Ivo. Sa kanilang mga kamay, alam kong mas mapapatakbo nang maayos ang ospital ito'y magiging mas moderno, mas matatag, at mas makatao.Ngayon, mas kaya ko nang tutukan si Marikah at ang pagbubuntis niya. Mas mahalaga siya kaysa sa alinmang titulo o tungkulin.Pero bago ko tuluyang talikuran an
Intention Sa likod ng bawat kilos na payapa, naroon ang layuning dalisay—Pag-ibig ang binhi, at kabutihan ang ani ng pusong tunay.👨‍⚕️HIDEO ADONISIsang panibagong araw na naman ng pagpapanggap, isa na namang hakbang upang mas mapalapit ako sa halimaw. Kailangan kong makakalap ng mas matibay na ebidensya. Gusto man naming ipahuli siya agad-agad, wala kaming sapat na lakas ng ebidensya. Lalo na at naka-pending ang kaso, sapagkat hindi pa rin natutukoy kung saan nagtago ang dati niyang pagkatao.Kaya kailangan kong paghandaan nang husto ang bawat galaw. Hindi ito basta kasong pwedeng isapubliko nang walang matibay na basehan. Sa sandaling mailantad ko sa buong mundo ang tunay niyang pagkatao. Ang pagiging kriminal niya, dapat ay wala na siyang matakbuhan.Kung hindi lang sa lakas ng koneksyon niya mula sa mga taong bahagi ng black market at mga notoryus na personalidad ay matagal na sana siyang nahuli. Kaya’t pinaasikaso ko na kay Dominador ang pagsuyod sa lahat ng contact niyang ma